TWENTY-SIX

2K 52 10
                                    


CHEL'S POV

"Whatt?? O.o" sabi ni Jovs sa akin habang tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya ng di makapaniwala.

"Are you serious?" Sabi ko na naniningkit pa ring mata.

"Serious about what???" Tanong ulit niya sa akin.

Bumuntong hininga naman ako ngumiti.

"You sure you're not wearing these???" Tanong ko at itinaas yung snapback cap tsaka shades niya.

Nakakatakot kasi.. baka kuyugin siya.
Nakita ko na kung paano siya pagkaguluhan sa mall nung minsang nagpasama akong bumili ng pizza. Medyo nagkahiwalay lang kami saglit.. ang kaso, ilang minuto lang, puro kurot na galing sa fans ang naabutan ko sa kanya.

"Hmmn. Why would I want to hide my face if I'm with a gorgeous lady here." Sabi niya sa akin at kinindatan.

Natawa naman ako.

"Psssh! Okay fine.. pero, at the end of the day, wag kang magsusumbong sa akin na masakit ang kalmot at kurot nila sayo ha?" Sabi ko.

Natatawa na talaga ako. Nung pagkasakay na pagkasakay kasi namin noon sa kotse niya.. bigla nalang siyang tumingin sa akin ng naluluha sabay pakita nung braso niyang may kalmot.

"Akin na nga!" Sabi niya sabay suot nung snapback cap niya pero di na nagsuot ng shades.

"Hahahahaha!" Natawa na ako ng tuluyan pero sinamaan lang niya ako ng tingin.

"Hmmp! Tara na nga! Bully!" Sabi niya sa akin say hatak nung kmay kong hawak niya.

"Pikunin!" Sabi ko at dinilaan lang ako.

Naglalakad lang kami sa mall papunta sa shakey's dito sa mall.
Team dinner. Courtesy of Ate Tina ..

"Ayan na pala sila eh!! Ate Jovyyyy! Ate Chelll! Dito!" Narinig kong sigaw ni Ella at nakita ko namang kakaway-kaway siya kaya lumapit na kami.

"Ang ingay mo talaga Donya Ella! Ang daming tao oh. Mahiya ka naman po." Sabi ni Jaja

"Hmmp! Eh sa ang bagal nila eh, gutom na ako." Simangot naman ni Ella.

"Okay na po Ellang liit.. kain ka na po.. andito na po kami..." tatawa-tawang turan ni Jovs habang pinaghila ako ng upuan at umupo na din sa tabi ko.

"Hmmmp! Pati ba naman ikaw Ate Jovy? Nahahawa na rin kay Ate Chel? Binubully mo na din ako eh!" Sabi niya na nakasimangot.

"Uy uy uy! Anong ate Chel ka jan Ellangliit! Eto talagang to! Nandadamay pa eh ang tahimik ko na nga dito!" Sabi ko naman.

"Oh siya siya! Tama na nga yan at kumain na tayo!" Sabi naman ni Ate Tina kaya nag umpisa  na kaming kumain.

"Rice?" Tanong ni Jovs sa akin habang inoofer yung rice.

Tumango naman ako kaya pinagsandok niya ako.

"Anong gusto mong ulam?" Tanong niya ulit sa akin sabay abot nung chicken at inioffer ulit sa akin.

"Ako na! Kain ka na din jan!" Sabi ko naman sa kanya habang inaagaw sa kanya yung chicken.

"Ako naa! Okay lang!" Sabi naman niya habang inilalayo sa akin yung manok..

"Jovss?" Sabi ko sa nagbabantang boses.

"Ako na nga maglalagay." Sabay pout.

Okay.. pacute..

"Akin na kasi!" Sabi ko at pilit pa ring inaabot sa kanya.

So ng labas, habang inaabot ko yung manok sa kabilang kamay niya, mas lalo namang lumalapit yung mukha namin..

Pero hindi ko sana mapapansin yun kung hindi niya ako hinalikan sa pisngi.

MAYBE IT WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon