NINE

1.8K 65 1
                                    


CHEL'S POV

"San tayo niyan?" tanong ko kay Jovs na nakasunod sa akin

"Ikaw, Ate Chel, san mo ba gusto pumunta?" sagot niya bago nagkibit balikat.

"Can you just drop the 'ate', please. You're making me feel too old." sabi ko ng nakasimangot.

"Hahahahha! Cute mo." sabi niya tapos kinurot yung ilong ko.

"Oucch! Grabe ka! Porket mabait ako sayo, inaalipusta mo na ako."

"Uy hindi ah! Ang bait ko kaya sayo." Pambawi naman niya.

"So saan nga tayo?"

"Sa soccer field nalang?" suhestiyon niya

"Cge! Tara!" sabi ko.

Sana pala nagdala ako ng jacket ko. Lumalamig na.

"Nilalamig ka na?" Sabi ni Jovs. Napansin sigurong nakahalukipkip na ako.

"Medyo. Nakalimutan ko magdala ng jacket."

"Ako din eh. Bigla bigla ka nalang kasing manghihila!" sabi niya at tumawa.
Hanggang ngayon, parang ang hirap masanay na makitang siyang tumatawa at nakikipagbiruan sa teammates namin.

"Whattttt???? O.o" sabi niya nung mapansing nakatitig lang ako sa kanya.

"Bakit ang saya mo ngayon? Pagbalik mo galing labas, ang saya na ng aura mo?" tanong ko.

Bigla namang nagfade yung expression ng mukha niya. Pero andun pa rin yung dreamy look niya.

"Wala. It's just that, it feels good to, you know, sometimes show or tell other people who you really are and what you really feel and they won't react as if you're the deadliest monster the world ever had." Sabi niya sa mahinang boses.

Tinitigan ko lang siya.
Sometimes, naiisip ko, itong si Jovs, masyadong madaming tinatago. Sa sobrang dami, nabubulok na sa loob niya at pati yung natitirang tiwala niya sa sarili niya, nahahawaan na din ng bulok kaya laging siyang mag-isa at takot na ipakita ang sarili sa iba sa takot na baka hindi nila siya matanggap.

"You know what Jovs? Kung mahal at pinagkakatiwalaan ka talaga ng mga taong sinasabi mo, matatanggap at matatanggap ka talaga nila kahit sino o ano ka pa. They won't mind all your flaws. What will matter to them is the fact that they love you. Period. No more, no less."

"Yeah, me too, i hope love alone is enough. But it won't change the fact that society favors perfection rather than contentment." sabi niya. Alam kong nanggagaling lahat ng sinasabi niya based on her experience. Ramdam ko yung sakit na napagdaanan niya dahil sa mga salita niyang iyon.

And alam ko kung ano ang kailangan niya. She needs assurance.
Assurance na kahit na ano pa man o maging sino man siya, may mga taong handang tumanggap sa kanya ng buo.

Lumapit naman ako sa kanya at niyakap yung braso niya.

"You know what Jovs, from now on, I'll be your bestfriend. And I promise, kahit maging ano ka pa or maging sino ka pa, hinding hindi magbabago ang tingin ko sayo. Kahit maging kuto ka pa or lisa. Hahahaha! Kadiri pero... iba nalang.. hahaha!"

Tumawa aman siya ng tipid.

"Ano bang tingin mo sa akin Chel?" sabi niya at tinitigan ako habang naglalakad pa rin kami ng mabagal.

Long pauseeeeeeeeeeeee.

Inisip kong mabuti ng sasabihin ko sa kanya.

"I think you are a good person Jovs. God forbid if I'm wrong pero yun ang nakikita at nararamdaman  ko. At alam kong if may mga taong iba ang nakikita sayo, hindi pa talaga nila nakikilala ang totoong Jovelyn Gonzaga, yung talagang nandito." sabi ko habang tinuro ang dibdib niya katapat ng puso niya.

MAYBE IT WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon