FORTY-ONE

1.4K 38 48
                                    

ARA'S POV

Ano ba tong nangyayari sa amin..

Obviously, dahil sa gulong nangyari, andito kami ngayon sa isang private room ng resort na laan para sa mga bibigyan ng deciplinary action.

Kanina pa kami tinataboy ni Ate Chel dito since siya lang ang may record pero anong klaseng mga kaibigan kami pag iniwan namin siyang mag-isa dito, especially sa nangyari pa sa kanila ni Ate Jovy. Isa pa, ung gung-gong na nag umpisa ng away, mga limang metro lang ang layo sa amin. Kung hindi lang maga yung buong mukha nun dahil sa suntok ni Ate Jovy, kanina ko pa siguro sinugod. Kung makatingin sa amin, parang demonyo eh... lalo na kay Ate Chel.

Naglibot ako ng tingin at nakita ung mga teammates namin na tahimik na nagpapalipas din ng mangyayari.. si Aly at si Den, tinatahan si Ate Chel na hanggang ngayon, tulala pa rin.

Si Ate Jovy.... nowhere to be found.

I'm kind of disappointed sa kanilang dalawa dahil hindi ko maintindihan kung bakit pinalalim pa nila ng ganito yung problema nila, pero who am I para i-judge yung mga desisyon nila?

"Okay ka lang?" Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Bang.

Nakaupo ako sa isang monoblock habang nakatayo naman si Bang sa tapat ko..

Tumango ako at hinilamos yung mga kamay ko sa mukha ko.

Kahit kaming mga teammates nila, apektado na din sa nangyayari.

Hindi to maganda sa buong team.

Naramdaman ko nalang yung yakap ni Bang sa ulo ko.

"Kayo po ba yung teammates ni Ma'am Jovelyn?" Tanong ng isang lalaki na lumapit sa amin.

"Ah, opo. Bakit po? Alam na po ba ninyo kung asan siya?" Tanong naman ni Aly na nilapitan nung lalaki.

Halata na din na nag-aalala yung ibang teammates namin.

"Ah, hindi pa po. Pero tumawag po siya sa amin. Pinare-release po kayo. Kaya, whenever you're ready, okay na po kayo lumabas."

"Pano siya?" Nguso ni Den dun sa lalaki n nakaaway ni Ate Jovy.

"Kami na pong bahala sa kanya. Siya na pong bahala sa consequences ng ginawa niya."

Narinig ata nung ugok yung sinabi ni kuya kaya napatayo siya sa upuan niya.

"Oy oy oy. Hindi naman ata patas yan?!! Yung siraulong babaeng yun ang unang sumuntok! Tapos ako ang nandito? Anong klaseng pamamalakad to?" Nanggigigil na sabi niya.

Tumalikod naman si kuya at hinarap yung lalaki with matching taas ng kilay.

"Sa susunod, kung ayaw mong maulit to, pumili ka ng haharapin mo."

At nagsimula ng maglakad papalayo yung lalaki.

Pero bago pa siya mawala sa earshots namin, hinarap niya ulit niya yung lalaking siraulo.

"At isang beses pa na marinig kong sabihan mo ng siraulo ang boss namin, sisiguraduhin naming sa labas ka na ng resort pupulutin. Isama mo na din yung mga kasama mo."

Napailing nalang ako ng ulo habang nakangiti...

Of course... minsan, nakakalimutan kong Gonzaga pala yung kaibigan namin.

Naiwan namang nanlalaki ng mata nung lalaki.

Nagsitayuan na din kami para lumabas sa kwartong yun.

"Malas mo lang, si Ate Chel pa ang pinili mong gaguhin." Bulong ni Bang sa lalaki bago namin siya nilampasan.

Pinisil ko nalang ng bahagya yung kamay niyang hawak ko.

MAYBE IT WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon