TEN

1.8K 63 0
                                    


CHEL'S POV

"Tara, balik na tayo?" tanong ko ay Jovs.

"Cge. Anong oras na ba?" At nauna na siyang tumayo.

Inabot ko naman yung dalawa kong kamay sa kanya at nagpahila.

"Mag eeight palang naman, pero baka hanapin na tayo eh. May pagkapraning talaga si Ate Tina minsan eh." sagot ko sa kanya ng tatawa-tawa.

"Lagot ka. Sumbong kita mamaya sa kanya.  Tsk tsk tsk tsk." sabi niya habang ngumingiwi pero nakangiti.

"Che!" sabi ko sa kanya at kinuha yung isang kamay niya at iniakbay sa akin.

Nahuli ko naman na nakatitig siya sa akin.

"Hoooy! Alam ko maganda ako! Wag ka masyadong pahalatang crush mo ako!" Sabi kong tatawa tawa tapos sinundot sundot ung tagiliran nya.

"Chel." Sabi lang niyang sumeryoso.

Akala ko may sasabihin siyang importante nang.......

"Chel, bagay ka dito sa labas." Sabi niya habang ngiting ngiti.

"Ha ha ha." Tawa ko ng sarcastic at pinalo yung tyan niya at pinagpatuloy ang paglalakad.

"Teka, Friday bukas ah. Uuwi ka sa inyo?" -ako

"Wala sina Lolo sa bahay eh. Kaya, stay in siguro ako." Sagot naman niya.

Bigla naman akong nacurious.

"Jovs? May tatanong ako ah. Wag kang magagalit." Sabi ko

"Shoot!" -Jovs

"Alam ba nina General yung gender preference mo?"

"Oo. Sa kanila ako ni Lola unang umamin." sagot niya

"Anong reaction nila? Hindi ba siya nagalit?"

"Nung una, syempre palang nabigla sila. Pero nung nakita nila na magiging masaya lang ako kapag may tumanggap sa akin na ganito ako, naglaon natanggap din. Wala namang nagbago sa pakikitungo nila sa akin." -Jovs

"Uhmm. Eh yung parents mo?"

Tumahimik naman siya. Parang di niya inaasahan yung tanong ko. Medyo nalungkot yung mukha.

"Ayaw nila. Kung ganon ang pagtanggap nina Lolo sa akin, yun naman ang pagkundina sa akin nina Mama." at di na dinagdagan ang sinabi niya.

"Wag kang mag-alala Jovs, kapag nakita ka nilang masaya sa kung sino ka, alam kong balang araw, matatanggap ka din nila." pagcocomfort ko sa kanya habang iniyakap ko naman yung isang kamay ko sa bewang niya.

Grabeee, nagiging touchy na to. I should feel umcomfortable kasi alam kong babae ang preferred niya. Pero bakit ganito? Ang sarap ng feeling ng may kasama ka. Alam kong mali rin ang ginagawa namin pero.......

It feels so right.

"Uy Chel, ang daya mo!" Sabi niya at kinurot yung balikat ko kung saan siya nakaakbay.

"Bakit? Wala naman akong ginagawa ah." alam kong dropped na ang topic. Ayaw niyang pag usapan.

"Ako nalang palagi nagkkwento. Ikaw naman! San parents mo? May mga kapatid ka?.. ay lagot, may boyfriend ka ba?" tanong niya sa akin na akmang tatanggalin na yung pagkakaakbay sa akin.

Alam ko, sa moment na yun na tinanong niya kung may bf ako at may balak siyang itigil yung pagiging touchy niya sa akin, na yung mga simple gesture niya sa akin ay may meaning.

Dahil kung friendly act lang yun, kahit malaman niyang may boyfriend ako, hindi niya tatanggalin yung pagkakaakbay niya sa akin.

Galing ko magbigay ng meaning noh?

MAYBE IT WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon