SIXTEEN (REVISED)

1.8K 56 3
                                    


CHEL'S POV

Nagising ako sa alarm clock. 4:30am dahil kailangan naming makabalik sa training school ng before 8 para umabot ng training.

Nagkusot ko ng mata at tumingin sa tabi ko.

Huh?

Nasan si Jov Jovs? Ang aga naman niyang nagising.

Baka naliligo na.

Kaya tumayo ako at kumatok sa cr niya. Walang sagot. Kaya pinihit ko pabukas yung pinto.

"Jovs?" Walang ngang tao.

Asan yun?

Pagbalik ko sa may bed. Napansin kong bukas yung glass door sa may balcony kaya pinuntahan ko.

"Jov Jovs?" Tawag ko habang sumisilip palabas.

Nataranta naman ako ng makita ko siyang nakaupo sa may gilid ng balcony. Yakap yakap yung dalawa niyang paa habang nakapatong dun ung ulo nya.

"Jov?" Tawag ko ulit sa kanya.

Pero di siya sumasagot kaya nilapitan ko na.
Tulog pa rin.

Umupo ako sa harap niya at tinitigan siya.

Mugto ang mata at namumula yung ilong tsaka pisngi. Halatang galing sa pag-iyak.

Hindi ko alam ang iisipin ko ngayon.
Gusto kong tumulong pero hindi ko alam kung makakatulong ba ako.

"Jov. Hindi ka naman nag iisa. Madaming nagmamahal sayo. Sana naman kahit papano, hayaan mo naman kaming tumulong sayo." Sabi ko at hinawakan yung pisngi niya.

Nakita kong may nakawalang luha sa pisngi niya kaya hindi ko alam kung gising na ba siya o hindi.

"Jovs?" -sabi ko at hinawaan siya sa magkabilang pisngi.

Unti -unti naman siyang dumilat.

She was momentarily disoriented at inilibot ang tingin bago ulit siya tumingin sa akin nang nakakunot. Lumambot naman ang expression niya.

"Bat nandito ka?" Sabi ko.

"Nakatulog pala ako dito. Lumabas kasi ako kagabi, di pa rin kasi ako makatulog." At bumalik naman yung pagkakunot ng noo niya.

"Tara na?" Sabi ko. Hindi na ako magtatanong. I don't want to probe her to tell me anything about her problems. Gusto ko kapag may nalaman ako dun, sa kanya mismo galing.

Tumayo na ako at inabot yung dalawang kamay niya. Nagpahila naman siya pero di pa rin nagbabago yung expression niya.

Pagkatayo namin, I saw her winced kaya nagtanong ako.

"Oh? Bakit? Anong nangyayari sayo?"

"Ang sakit ng ulo ko. Cge na Chel, you go in first, I'll prepare us some breakfast." Sabi niya habang minumwestro ako sa bathroom.

Hanggang sa pagkain namin ng breakfast, ganun pa rin ang mukha niya. Nakakunot noo at seryoso.

Ano ba yan, umagang umaga, ganitong mukha ang una mong makikita. Okay na eh, gwapa na, eh ang kaso, parang ayaw niya akong makita eh.

Tahimik pa rin kami habang papasok sa kotse niya. Hindi na kami nakapagpaalam kina Lolo dahil baka tulog pa ang mga ito.

Anong problema niya?

Naiinis ko nang isip. Kung ganito ang byahe mula Bulacan hanggang Pasay, this will be the longest trip para sa akin. Ayoko nang magsalita, baka pati ako, mahawa na sa mood niya.

MAYBE IT WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon