SEVENTEEN

1.7K 52 1
                                    


CHEL'S POV

"So, anong balak mong gawin ngayon?" -Jovs.

Nasa daan pa rin kami papuntang Pasay at mukhang malalate na talaga kami sa training.

Rush hour. Traffic.

At mukhang pabor naman yun kay Aly kasi mas mahaba ang oras niyang makapag isip tungkol sa kanilang dalawa ni Den bago niya ito makita mamaya.

"Ewan ko Ate Jovy. I'll try my best para hindi mangyari yung ayaw niyang mangyari. Hanggang dun nalang ako. Kesa nakikita ko pa siyang malungkot ng dahil sa akin." -Aly

"Pero Aly, pano ka? Isipin mo din ang sarili mo paminsan minsan ha? Hindi yung bigay ka ng bigay, mamaya niyan, wala ng matira sayo." -ako

"Mas mabuti na yun kesa siya pa yung mahirapan Ate Chel, I'm willing to make it easy for her. Sa tingin mo Ate Jovs?"
Tingin naman ni Aly kay Jovs sa rearmirror na kanina pa tahimik.

"I dunno. Ang sabi niya, ayaw niyang mainlove syo kasi hindi daw kayo magiging masaya, lalo na ikaw. Parang naguguluhan ko sa part na yun. Bakit? Nasubukan na niya? Eh sa pagkakaalam ko, simula't sapul, siya na ang nagpapaalam na dapat hindi ka mainlove sa kanya kaya pano niya nalaman na hindi kayo magiging masaya? Alam kong magiging masaya ka kapag nangyari yung time na yun diba Aly? At kapag nangyari yung time na yun, impossibleng hahayaan mo siyang hindi maging masaya." - Jovs na humikab pa.

Nakatitig ng ako sa kanya habang sinasabi niya yun. Siguro nagsasabi na si Aly dati pa sa kanya.

Lumingon naman si Jovs sa akin at ngumiti.

"Pahiga." Sabi niya at umunan na sa may kandungan ko at pumikit.

"Cge Ate Jovs, gisingin ka nalang namin pag nasa training school na tayo. Mamaya ah, samahan mo ako." Sabi ni Aly. Mukhang nakalabas na din nman kami sa matraffic na area. Nasa may parang bukid na kami.

Itinaas naman ni Jovs yung kamay nya at nagthumbs up.

Parang ang lambot ng buhok ni Jovs. Parang ang sarap haplusin.

Parang ngayon ko lang sya matititigan ng malaya. Kaya lulubusin ko na. Hahaha

"Uy Ate Chel, mamaya nyan malawayan mo na yung mukha ni Ate Jovs. Hahahaha!" Aly

May kontrabida pala dito.. -.-

"Ingay Aly, parang walang natutulog." Sabi ko.

Tumawa lang siya.

Tumatawa pa rin siya.

5 mins na tumatawa pa rin siya.

Halla, baliw na ata siya.

"Oy Aly, okay ka lang?" Tanong ko. Delikado. Siya ang nagddrive, baka mamaya jan pa siya maubusan ng katinuan.

Bigla naman siyang suminghot singhot.

Delikado na nga.

Pero nagddrive pa rin naman siya ng maayos.

"Oy Aly. Okay lang. Ilabas mo lang yan ha?"

"Hindi. Okay lang ako." -Aly

Matalik kong kaibigan si Aly at matagal ko na din siyang kilala pero ngayon ko lang talaga siya nakita na magbreakdown. Pero mas matagal ko pa ring kilala si DenDen.

"You know what Aly? I may not know your story pero alam kong alam mo na kapag wala ka sa tabi ni Den, kami naman ang kasama niya." Napatigil naman si Aly sa sinabi ko.

"What do you mean Ate Chel?" Sabi niya

"Gusto ko lang naman sabihin na there's always an other side of a story. There's your side and there's Den's. And as of now, pareho ko na kayong napakinggan." Sabi ko at hindi ko na nga napigilan yung sarili kong hwag hawakan yung buhok ni Jovs. Ang lambot nga.

MAYBE IT WILLWhere stories live. Discover now