NINETEEN

1.9K 53 6
                                    


JOV'S POV

"Sigurado ka talaga na okay ka na?" Sabi ni Chel sa akin habang naglalakad ang team papuntang gym.

"Yup! 100% sure." Sabi ko sa kanya at ngumiti.

Nasa likod kaming dalawa ni Chel kasama si Aly pero dahil sa tahimik niya, aakalain mong wala din kaming kasama dito.

Simula nang magising kami kanina, ganyan na ang mood ni Aly, ang tahimik. Pero kung si Den naman ang tatanungin, ayon, tumatawa kasama nina Mela at Bang.

Wala naman kaming magagawa kundi intindihin nalang yung dalawa.

"Okay guys, take your seats, may announcement ako." Sabi ni coach Reyes nang makarating kami sa gym.

"Nasabi na siguro ni Tina na few of our seniors will not be playing for the invitational, dahil dun, kailangan natin ng bagong first six na isasalin natin sa game." Pagpapatuloy niya.

"Kim, ikaw ang setter ng team, okay? As for now, you will be training with Tina." -coach

"Yes coach!" -Kim

"Ara and Alyssa, kayo ang outside spikers slash open natin okay?"

"Yes, sir!" Sabi ni Ara at tumango lang si Aly.

"Rachel ikaw naman ang middle hitter natin."

Hinawakan ko naman yung kamay niya at nung lumingon naman siya ay ngumiti ako ng malaki.

"Jovelyn." Napatingin naman ako kay coach.
"Ikaw ang Utility spiker natin. Ikaw din ang co-captain natin."

Ngumiti naman si Chel sa akin.

"Yes coach."

"And lastly, our libero. Denden, ikaw ang papasok. Alternative si Bang okay?" -coach

"Yes coach." Sabi naman ni Den.

"Okay guys, gusto ko, sa invitational na to, maging undefeated tayo. We have to set our goal and prospectives natin, okay? We have double the efforts sa ating training kaya asahan niyo na na magiging madugo ang mga susunod na meetings natin. Your schedule will extend from 8:00-12:00 to 8:00- 3:00. I'm sure sa may mga klase, nakapagpropose na kayo ng scheds niyo para mapasok ang training. So yun lang. Warm up guys. Group one vs two pagkatapos." Mahabang sabi ni coach.

"Seven straight hours? Di kaya ako mamamatay dun?" Sabi ni Chel na stretching buddy ko.

"Harmstrings muna tayo Lady Troopers." Sigaw ni ate Tina.

"Hahaha! Syempre, di ko naman hahayaan un." Sabi ko ng nakangiti. "Una ka na." Sabi ko at humiga na siya at nagsimula na kaming magstretch.

"Weh? Bat naman kita paniniwalaan?" Sabi naman niya ng nakangiti.

"Syempre! Crush mo ata ako." Sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"Alam mo Jovs? Anlaki ng pinagbago ng confidence mo ano? Pssh. -.-. hahhaahaa!" Sabi niya..

"Shhhhhhhhh! Ang ingay niyo po." Sabi ni Ella n katabi namin sa stretching kasama si Jaja.

"Mind your own business liit. Kita mong nagmomoment ang gonzaquis eh." Sabi naman ni Jaja na ngiting-ngiti sa amin ni Chel.

"Focus na nga kayo jan! Co-captain ako kaya follow my instructions!" Sabi ko naman pero nakangiti.

"Opo na po 'te Jovs! Alam din po namin na gusto niyo magfocus ni Ate Chel; magfocus sa isa't isa. Hahahaha!" Tawa ni Ella at Jaja.

"Oh Ella at Jaja, share naman kayo sa tinatawanan niyo. Focus!" Sabi ni coach na saktong naabutan si Jaja at Ella na tumatawa.

"Yan kasi! Ayaw makinig sa akin!" Sabi ko nalang sa kanila habang tatawa-tawa si Chel.

MAYBE IT WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon