FOURTEEN

2.2K 58 4
                                    

DEN'S POV

"Urrgghhh." Nagising ako sa maliwanag sa sikat ng araw.

Ang sakit ng ulo ko.

Teka. Kwarto ko na to ah. Parang wala yata akong matandaan na umuwi ako kagabi.

Tinignan ko yung orasan sa side table ko. 9 am na pala. Late na akong nagising. Napansin ko naman yung note sa tabi ng orasan kasama ang isang gamot.

Take this to lessen your headache. -Aly

Si Aly.

"No, Dennise Lazaro, I am not inlove with you."

Bigla naman akong nanlumo sa naalala ko.
Ang sakit. Nasasaktan ako, mas masakit pa kesa sa headache na nararamdaman ko dahil sa hangover ko.

I've been with Aly for almost 10 year already.
Nakilala ko siya nung first year high school ako. Naging teammate sa volleyball, classmate, and eventually, bestfriend.

Whenever I'm with her, gumagaan lahat ng problema ko.
It's like, when the rain is pouring on me while the whole world is on my case, tapos dadating siya at yayakapin ako, I feel like she's assuring me that she's there and I am not alone with my problems. It's like it is fine for her to carry all my problems on her back just to make me feel better.

Samantalang ako, I am never been a good friend to her. I've never even gave her a good advice to any of her problems.

That's why my life with Aly became easy because she's too willing to give me her water when she's out there dying because of thirst.

At ayoko ng feeling na ganun. Na laging siya lang ang may iooffer para sa akin.

Kaya nung nalaman ko na she's attracted to same sex, i made sure na everyday kong ipapaalala sa kanya to not to fall inlove with me.
Kasi baka kulang ako.
That I can't reciprocate all those things that she's doing for me.
Na siya nalang lagi ang nagbibigay.
Na siya nalang palagi..

I want her to find someone who can lift her burden on her back. Hindi yung mas lalo pa niyang dinadagdagan ito. Hindi yung walang pakinabang. Hindi yung mahina.

Hindi yung kagaya ko.

Tahimik na tumulo yung mga luha ko sa aking mga pisngi.

I admit.

I am inloved with her.

It happened 6 years ago.

We were hiking back then, when I lost my balance and accidentally cut and dislocated my ankle.
Since walang kotse sa kabundukan, she carried me until we reached the hospital. After nun, hindi niya ako iniwan sa ospital, made sure na lahat ng gamot ko iniinom ko and kasa-kasama ko siya for my therapy.
Hanggang sa fully- recovered na ako, nanatili siyang overprotective sa akin. Pinapagalitan kapag naiinjure o kahit nasusugatan ako. Naaalala niya daw kasi yung day na karga-karga niya ako at duguan.

Natigil ako sa pag iyak nung kumatok sa kwarto ko si Daddy.
Pinunasan ko yung luha ko at sinabing gising na ako.

"Good morning anak." -Dad

"Morning Dad." Sabi ko na medyo namamalat.

"Anak, nag-away ba kayo ni Aly?"

"Huh? Hindi po? Bakit po ninyo nasabi yan?"

"Kasi kagabi, mag aala una na ng gabi nung inihati ka niya. Eh sabi ko dito nlang siya magpalipas ng gabi pero umuwi pa rin."

Usually kasi, laging nag ssleep over si Aly dito. Pati sina Dad, napamahal na din sa kanya.

MAYBE IT WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon