TWENTY-TWO

1.7K 56 34
                                    


CHEL'S POV

*Cccrrruunnnncchhhhh...*

Huh?

*Cccccrrrruuunnncccchhhhhhh...*

Sino ba yung kumakain? Parang walang table manners..

*cccccccccccrrrrruuunnnnccchhhhh*

Urrrgghh! Lalo lang akong nagtalukbong ng kumot at yumakap sa katabi ko.

It's Sunday and I am very much comfortable sa posisyon ko ngayon kaya walang dahilan para gumising ako ng maaga.

*cccccrrrruuuunnnccchhhh*

Pero kung sino man yung kumakain ng cereal or popcorn or wafer man sa tapat ko, mapapatay ko na talaga yan.

Nananadya na eh!!!!!

Teka teka..

Bat may katabi ako?

Huh? Ba't ang lambot ata ng unan ko?

Nakapikit pa rin ako habang hinahaplos haplos ko yung unan ko o kung ano man tong yakap ko nang may kumalabit sa braso ko.

Agad naman akong napamulat sa nangyari.

Una kong nakita yung mukha ni Jovs.

Yung mukha ni Jovs.

Teka ba't andito si Jovs?

Teka? Wala kami sa kwarto. Nasa sofa kami.

Pero teka? Sino yung kumalabit sa akin?

Narinig ko naman si Jovs na bumuntong hininga pero nakapikit pa rin kaya dahan-dahan akong kumalas sa kanya, umupo at hinarap kung sino man yung storbong nilalang na sumira sa magandang tulog ko..

Paglingon ko.......

Huh?

Napataas naman ako ng kilay?

May tatlong babaeng nakatingin sa akin ng matiim.

Ung isa ay nakaupo sa kabilang couch habang may hawak na flying balloon na may print na "happy birthday".

Ung isa, nakaupo mismo sa center table habang may hawak na bowl ng cereal habang maingay na kumakain habang nakatitig pa rin sa akin.

Yung isa ay may hawak din na birthday balloon habang nakatingin din sa akin pero nakangiti.

"Who are you?" Sabi ko sa kanila ng nagtataka.

"Ssshhhhh. You might wake up Jovjovs." Sabi niya habang nilagay yung hintuturo niya sa bibig niya.

Teka teka.. ako lang tumatawag sa kanya ng Jovjovs or Jovs ah dito ah.

Sino tong mga to?

"Oh, Chel! Gising ka na pala!" Sabi ng taong hindi ko inaakalang kalalabas lang ng kusina namin.

"Huh? Good Morning po Lolo." Teka.. bat andito pati si General?

"Sshhh.. halika na dito at ng magising na natin si Jovy para sa surprise namin." Sabi naman ni Lola na kagagaling din ng kusina at hinila na ako patayo.

"Oh eto, Ate Chel, hawakan mo nalang." Sabi naman ni Ella na galing din sa kusina at ibinigay sa akin yung chocolate cake.

Nakita ko naman na nagsisilabasan na din yung mga teammates namin galing kusina na may hawak-hawak na kung anu-ano.

"Ready guys?" Sabi nung babae na nakaupo sa center table.

"Yepp!" Sagot naman ng iba.

Napangiti nalang din ako kasi dito mapapatunayan ni Jovs na madami ding nagmamahal sa kanya at tumatanggap sa kanya at hindi lang ako.

MAYBE IT WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon