TWENTY-SEVEN

1.9K 47 11
                                    


CHEL'S POV

"Cge na Aly, mauna na kayo sa taas. Tulungan ko lang sina Ara magbuhat." Sabi ni Jovs ang makarating kami sa lobby sa condo building niya.

"Cge Ate. Tara Den, Tyang." Pag-aaya sa amin ni Aly.

Hindi naman ako tuminag. Sama ako kina Jovs.

"Ate Chel, tara!" Lingon naman sa akin ni Aly.

"Ahh. Hindi, mauna na kayo, mahuli na kami nina Jovs. Samahan ko sila." Sabi ko at nginitian naman ako ng makahulugan ni Aly.

"Whoo! Ate Chel, ayaw na maihiwalay sa Jovjovs niya." Sabi naman ni Ella.

Dinilaan ko lang siya bago sila dumiretso sa elevator.

Pinanood ko lang sila habang inaayos nila yung mga gamit at inumin na dadalhin sa taas.

"Oh? Bat di ka pa sumabay sa kanila?"  Tanong sa akin ni Jovs nang mapansin niyang kasama pa rin nila ako.

"Sabay ako sa inyo." Sabi ko na nagpout pa.

"Luh si Ate Buday." Sabi ni Kim with matching rolling eyes pa.

"Hahaha! Pababy! Damulag nga lang." Sabi naman ni Ara na bumunghalit na ng tawa kasama si Kim.

"Uy uy uy! Tama na yan ah. Mamaya mag alboroto na naman yan, iiyak na naman." Sabi naman ni Jovs na ngingiti-ngiti.

Pinagtutulungan na ako dito..
Hmmp.

"Isa ka pa!" Masungit kong sabi kay Jovs bago magmartsa papasok sa building ng nakahalukipkip ang kamay.

Didiretso na sana ako sa elevator pero naalala ko....

Di ko pala alam kung anong floor ung unit ni Jovs.

"Uyyy." Habol ni Jovs sa akin at hinawakan sa ako sa kamay.

Nakatingin lang ako ng diretso habang naghihintay ng elevator.
Nang bumukas ang pinto ng elevator ay agad akong pumasok.

"Uyyy.. joke lang yun!" Yumuko siya at sinilip yung mukha ko bago ngumiti ng matamis.

Umirap naman ako kaya napatawa siya.

"Ara! Eto oh, 7th floor, room 138.. una na kayo ni Kim." Sabay abot ni Jovs yung susi niya kay Ara.

"Cge po Ate Jovy."

Nang makarating kami sa 7th floor, lumabas na si Ara at Kim dala ang mga bitbit na inumin. Iniabot na din ni Jovs ung dala niya.

"Be there after 30 mins, okay?" Sabi ni Jovs sa kanila.

"Aye aye Commander!" Saludo naman ni Kim na ngiting-ngiti.

Pagsara ng pintuan ng elevator ay pinindot naman ni Jovs yung button na may nakasulat na R.

"You're not talking to me, are you?" Tanong niya sa akin na nakasilip sa mukha ko.

Inirapan ko lang siya.

"Yeap.. you're not." Sabi naman niya at dumiretso na ng tayo pero alam kong nakatingin pa rin siya sa akin.

Pinaikot ko naman yung mga mata ko.

Bumuntong hininga naman siya at hinalikan ako sa sintido.

Tahimik lang kami hanggang sa nakarating kami sa rooftop.

Pagbukas ng pinto, napahigit naman ako ng hininga.

"Wow..." sabi ko habang lumalapit pa sa railing.

"I know." Sabi naman niya na nakasunod lang sa akin.

"It may not be as beautiful as the place you took me back on my birthday, but the moment I saw this place, I don't know why my brain thought this place is somehow familiar. Pero once I've realized, it is all because ikaw ang una kong naalala nung makita ko to. And everytime I visit this place, God knows na ikaw lang talaga ang nasa isip ko pag andito ako." Sabi niya at binuck hug ako.

MAYBE IT WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon