Chapter 5 - Professor who Gunned Student Down Confesses

9.2K 592 608
                                    


Zweihänder

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Zweihänder.

26. November.
Friday, 9:00 a.m.
Coronado Chronicles Newsroom.

NEWSROOM—Edward Dace started chilling with us in our newsroom after being literally carried from Northumbria's fire exit by Excalibur just 8 this morning. He made his own little fort on the floor, in the corner, using boxes of newsprints and stacks of books, and hadn't said a word since he arrived. He was typing on his laptop.

Ganito pala ang pakiramdam ng mga nag-aampon ng mga galang hayop. Kanina ko pa s'ya pinapanood, hindi ko na nga rin nagawa ang assignment ko sa (insert random name of a subject).

Ichaival arrived at 9, saw Edward's fort, and immediately accused me of kidnapping. "Sigurado akong hindi sumama sa 'yo nang kusa si Edward," he said, turning his computer on. "Anong sinabi mo sa kanya at anong ginagawa n'ya rito?"

"Shhh, tinatakot mo," I replied. Excalibur, who was watering 20 of our indoor plants, glanced and grinned at me.

"Edward, anong sinabi sa 'yo ni Zwei?" deretsahang tanong ni Ichaival.

Ulo lang ni Edward ang nakikita namin dahil sa taas ng kastilyo n'ya. Gayun pa man ay obvious pa rin na hindi n'ya inaalis sa laptop n'ya ang paningin n'ya. "Inutusan n'ya si Excalibur na hulihin ako tapos binasahan ako ni Excalibur ng Miranda Rights."

Biglang lingon sa 'min ni Excal si Ichaival. Nagtaas ng kamay si Excalibur, "Sinubukan ko lang! OJT na namin!"

"Bakit n'yo huhulihin si Edward?"

"Aba," sagot ko, "tumatambay sa fire exit kahit sinabi nang bawal ang bata ro'n."

Siningkitan ako ng mata ni Ichaival. "Kaya ba gumawa ka ng maliit na kulungan sa sulok?"

"No, sabi ni Edward fort ang ginawa n'ya."

"Tinawag n'yang Fort Santiago 'yon kanina par," sabi ni Excalibur.

Ahhh, kaya pala bumubulong-bulong s'ya kanina habang tinutulak 'yong karton.

"Okay lang 'yan Edward, libreng aircon naman," sabi ko.

Sumilip si Edward mula sa pader ng kastilyo n'ya. "May itu-tutor ako ngayong 9, baka maingayan kayo sa 'kin."

Nagbusy-busy-han na rin si Ichaival sa harap ng computer. Malapit na kasing matapos ang buwan at kailangan na naming ihanda ang mga liquidation, budget para sa printing, at ang mga masu-swerteng first year mass comm students na bibiyayaan namin ng pagkakataong (uutusan naming) mag-distribute ng mga diyaryo.

"Sige lang Edward," sabi ni Ichaival. "Sabihin mo sa 'min kapag naiingayan ka kay Zwei."

"Sali ako!" Patalon akong tumayo at dinayo sa sulok si Edward.

"Zwei tapos ka na ba sa mga gagawin mo?"

"Tapos na, nakalista na nga rin d'yan mga pitch ko para sa December." Naupo ako sa labas ng kastilyo ni Edward at dahan-dahang hinila ang isang kartong newsprints.

[Seven-Minute Semblance] GENIUSFORSALE & VORSTELLUNGENWhere stories live. Discover now