Chapter 11 - First Sincerity

7.3K 548 893
                                    

Futhark

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Futhark.

4. December.
Saturday, 8 a.m.
Harriet Medical City.
Psychiatric Ward Building 1.

MAG-IISANG BUWAN na ako dito. Kabisado ko na ang routine ng mga tao, pati ng mga nurse at ng mga pasyente. Mababait silang lahat at malaki ang naitulong nila sa 'kin kaya simula nang bumuti ang pakiramdam at pag-iisip ko, tumulong na rin ako sa kanila.

Hinayaan nilang akong magwalis-walis sa garden. Hinayaan din nila akong tumulong sa paglalaba at paghuhugas ng mga pinggan.

At kung may ilang pasyente na hindi nila makausap nang ayos (kadalasan ay dahil hindi nagtitiwala sa kanilang uniporme), ako ang pinapadala nila dahil sa kung anumang dahilan, mas gusto raw akong kausap ng mga tao dito.

May isang nagsabing hindi raw legal 'yon dahil pasyente rin ako pero kung gumagana naman, bakit hindi raw nila ako hayaan.

Kabisado ko na rin ang mga clique ng mga tao rito. Hindi kasi lahat ay mga schizophrenic. Ilan sa kanila ay mga nire-rehab, ilan sa kanila ay may anger issues, to name a few.

Kahit ganoon pa man ay alam ng lahat na kami-kami lang din ang magtutulungan dito.

Pakiramdam ko ay nasa isang bahay-ampunan lang ako.

Ngayon, naghuhugas ako ng pinggan kasama si Lilith, isa ring pasyente. Si Lilith ang kasa-kasama ko simula nang payagan akong lumabas sa garden. Masayahin siyang tao at halos magkasing-edad lang kami.

Nag-volunteer siyang samahan ako sa paghuhugas ng pinggan dahil ayaw niyang maiwan mag-isa sa garden. Nakakatakot daw 'yong mga puno.

"Alam mo ba Kiel," kwento niya habang nagbabanlaw ng mga baso, "naalala ko 'yong pinanood ko dating love story."

Bahagya akong natawa at ngumiti. "Mm-hmm?"

"Nasa gym sila tapos pinukpok nila sa ulo nila 'yong itlog para mabalatan. Subukan natin mamaya, itanong natin kung may itlog tayo mamaya!"

"Sige, itanong natin mamaya kay Ate Chel kung may itlog siyang lulutuin."

Natapos ako sa pagsasabon at tinulungan siyang magbanlaw. Ang liit at ang payat ng kamay niya, nag-aalala ako na baka makabasag siya.

"Tapos, Kiel, may isa pa akong napanood noon, napaka-bully ng lalaki. Apat sila, e. Tapos mayayaman."

Ganyan siya, napakaraming kwento. Unang araw pa nga lang na magkasama kami, naikwento niya kaagad sa akin kung pa'no siya nakitira sa dati niyang boyfriend simula nang ipa-ambush ang mga magulang niya.

Ang sabi sa 'kin ng mga nurse, 'yong ambush at 'yong trauma raw ang naging dahilan kung bakit nabaliw nang tuluyan si Lilith.

"Kung ako 'yong babae do'n, hindi ko na hahabulin 'yong lalaki. Salbahe, e."

[Seven-Minute Semblance] GENIUSFORSALE & VORSTELLUNGENWhere stories live. Discover now