VORSTELLUNGEN || Chapter 15 - False Hues

6.7K 481 649
                                    

Fraulein Snow

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Fraulein Snow.

14. April.
Friday, 4:00 p.m.
Vorstellungen.

IT'S BEEN A FUN WEEK. Isang linggo kaming nagpatibayan nina Joyeuse at Edward (at, eh, Ruhmfried).

Walang kumilos sa 'min. Naghintayan kami kung sino ang unang magpapakita ng inisyatibong sumugod para sa natitirang dalawang susi at inabot kami ng isang linggo. Dumaraan-daan ako sa mansyon ni Ruhmfried para magmanman (at sumilay kay Joyeuse), pero laging si Ruhmfried ang sumasalubong at nagpapalayas sa 'kin.

May ilang beses na pinadala ako ni Lae sa ibang parte ng Iceland para mag-damage control dahil habang tumatagal, parami nang parami ang nakaaalam ng tungkol sa Vorstellungen. Parami nang parami rin ang naghahangad na makakuha ng access o connection sa org ni Lae.

At habang tumatagal ang away namin ay nararamdaman kong pasama nang pasama ang loob ni Lae.

Mapang-asar at mapanglait pa rin siya, pero nabawasan na nitong nakaraang linggo. Lagi na lang siyang nakasimangot at nakakunot-noo. Madalas ko rin siyang maabutang nakakatulog habang nagsusulat sa loob ng library niya.

Ramdam kong ayaw niyang kalabanin si Edward, pero kailangan niyang ipaglaban ang kaligtasan at seguridad ng mga taong nagbigay sa kanya ng katapatan nila.

Hindi ko maintindihan noong una, pero na-realize ko na kapag hinayaan ni Lae si Edward sa mga paninira nila, mawawala ang integridad at ang essence ng Vorstellungen na walang special-special para sa kanila.

Kaibigan o hindi, right now, si Edward ay isang threat sa Vorstellungen.

Sa ayaw at gusto ni Lae, bilang leader, kailangan niyang pangalagaan ang Vorstellungen. Kung tutuusin, madali lang tapusin ang lahat ng ito. Isang salita lang ni Lae ay kayang-kaya niyang ipapatay si Edward.

Ahaha, it's so ironic. What makes the Siegfried so terrifying is not his power to kill people, but his patience, levelheadedness, and control over that power.

You can expect a madman to let loose and kill. With Laevateinn, you will never know, and you will have to live with a certain level of fear and caution every time you talk to him.

Which actually brought things into perspective—grabe kung utus-utusan namin si Lae noon, isang malaking himala na buhay pa kami hanggang ngayon. Tumalsik pa siya sa harapan ng sasakyan dahil sa 'kin.

Noong Biyernes ay nagbabasa ako ng libro sa kwarto ko sa Vorstellungen at naghihintay ng iuutos sa 'kin. (Dahil umalis na si Sir Arthur, tinatakasan ko na lang 'yung mga gustong mag-train sa 'kin.)

Kinatok na ako ni Lae. "Snow."

I beamed at him. "Yeah, Niall? To what do I owe this honor?"

His scowl didn't change. "We're going back to the Philippines."

I blinked. "Right now? Why?" I gasped. "Papunta na rin ng Pilipinas sina Edward? Bakit? May isang taga-hawak ng susi na nainip kahihintay sa 'tin, naisipan niyang idamay ang CC? Pero hindi alam ng CC ang nangyayari! Pilit silang idadamay para may isa sa 'tin ang sumuko? Grabe naman 'yon."

[Seven-Minute Semblance] GENIUSFORSALE & VORSTELLUNGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon