VORSTELLUNGEN || Chapter 4 - Investigating Norcross Germaine's Death

7.1K 501 786
                                    

Zweihänder

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Zweihänder.

18. March.
Saturday, 7:00 a.m.
Coronado Chronicles Newsroom.
Coronado University.

A FEW HOURS before leaving for Mindoro, I gathered the Coronado Chronicles staff in the newsroom for a meeting to discuss our new living arrangements, now that we're going to hide.

"Kailangan nating itago si Mist," simula ko, "dahil ampon s'ya at baka hanapin s'ya ng tunay n'yang mga magulang."

"Sana makita na nila ako at ilayo kay Zwei," bulong ng ampon. Sumiksik s'ya sa sulok ng couch, katabi ni Clarent.

"How dare you."

"Alam n'yo naman siguro ang gulong pinasok ng SMS," sabi ni Ichaival, habang naghahalo ng kape sa may bintana.

Natawa si Excalibur, na may hinahaplos na halaman. ""Alam n'yo naman siguro ang gulong pinasok ng SMS." Pwede nang chat-up line haha. Napakarami par, halos lahat ng ingay sa Coronado sila ang gumagawa."

"Sinupin mo nga ang mga sisiw mo, Zwei, pakalat-kalat." Hinampas ni Macey ang braso ko.

"Bakit hindi mo sinupin si Edward?" Minasahe ko ang braso ko. "S'ya 'tong nagpakulong kay Henrik at nag-hire sa mga Brown kaya hotseat tayong lahat."

"Talaga, pati kami ni Excal?" natatawang tanong ni Clarent.

Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Hindi ba may kinalaban kayong mga bandido no'ng Sabado? Pa'no ka nakasigurong hindi ka ipaghahanap ng leader ng mga 'yon?"

Naghanap ng masisisi si Clarent. "Si Joyeuse ang may kasalanan, s'ya ang may pakana."

Napatakip ng bibig si Macey. "Hotseat din ba ako dahil jowa ako ni Edward?"

Umirap ako. "Hindi pa kayo, Macey, alalahanin mong hindi ka pa nililigawan ni Edward."

"Malay mo! Dahil special ako sa kanya?!"

Umiling si Ichaival. "Mas mataas ang tsansa na si Mistletoe ang sumalo ng mga kalokohan ni Edward dahil sila ang nakikita ng mga tao na close."

Tumango-tango naman si Excalibur. "Yeah pareho silang member ng Literature Club at pareho silang mahilig sa computers at close si Edward sa pamilya ni Mist."

Kumulot ang mukha ni Macey na para bang tinraydor s'ya ng best friend n'ya. "Hindi ko akalain Mist, sa lahat pa talaga ng tao, ikaw pa ang magiging karibal ko."

[Seven-Minute Semblance] GENIUSFORSALE & VORSTELLUNGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon