VORSTELLUNGEN || Chapter 14 - Fact or Fiction?

8.2K 438 498
                                    

Zweihänder

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Zweihänder.

16. April.
Sunday, 11:00 a.m.
Puerto Galera, Mindoro.

CORONADO BEACH HOUSE—Matapos ang ilang linggong pananahimik mula kay Henrik ay nakatanggap naman sina Ichaival ng kakaibang imbitasyon mula sa isang "LEUX".

Naghinala sila na baka sugo ni Henrik ang Leux na 'yon kaya napasugod kami ni Excalibur sa Mindoro. Kayang ipagtanggol ni Clarent at Ichaival ang mga sarili nila at sina Macey at Mistletoe, pero nag-alala sila na baka magkamali sila ng kalabanin at mapasama pa ang buong sitwasyon.

Buong byahe papunta sa beach house ay iniwas ko ang tingin ko sa napakagandang asul na dagat. Nag-earphones din ako dahil sa naririnig kong mga ibon at alon at mga dagsang turista.

Si Excal ang umalalay sa 'kin sa paglalakad habang nagtatakip ako ng mata dahil panigurado'y kapag nalingat ang tingin nya'y susugod na ako sa beach.

"Sandali na lang tayo, kapit lang par," malumanay na bigkas ni Excal. Itinungo ko ang aking tingin at binilisan ang dalang-dalang na mga hakbang.

"Ay!" humiyaw ako sa hinagpis at nagsaklob ng pashmina sa aking ulo. "May nalalabi pa baga sa 'king mga bagay? Malabis na totoo ang aking paghihirap; datapuwa't pinapaghirap ko naman ang marami. Nagbabayad-utang naman ako!"

"Nagku-quote ka na ng Noli Me Tangere, kailangan na kitang ilayo sa dagat." Mariin akong niyakap ni Excal; hinigpitan ang pagkakakapit sa aking bisig upang hindi ako magawi sa direksyon ng dagat at makinig sa mga udyok nito.

"Si Zwei 'yan, ano?" narinig ko ang malamig at maaliwalas na boses ni Ichaival.

Huminto kami sa paglalakad.

"Alisin n'yo 'yang nasa ulo n'ya, nakakahiya kayo."

"No, Val!" paglaban ni Excal. "Kapag inalis namin 'to, susugod si Zwei sa dagat!"

Mas lalo ko pang ibinalot ang pashmina sa ulo ko. "See the line where the sky meets the sea? It calls me!" bulong ko.

"Tingnan mo, Val, mababaliw na si Zwei!"

"Matagal nang baliw 'yan!" Inis na ang dating ng boses ni Val. "Tara na sa beach house nang makausap nang ayos 'yang EIC n'yo!"

"Tandaan mo Val, EIC mo 'to bago namin s'ya naging EIC. Ikaw ang kasamang lumaki nito kaya kung anuman s'ya ngayon, malaki ang kinalaman mo ro'n."

Hindi ko narinig ang sagot ni Val pero malakas ang kutob kong nakakatawa ang ekspresyong ginawa ng mukha n'ya. Mahina akong tumawa sa sarili ko, tumayo nang ayos, at inalis ang pagkakaikot ng braso ni Excal sa leeg ko.

Nang hilahin ko pababa ang pashmina ay bumungad ang ngiti ni Val na pinaghalong inis, kapanatagan, at tuwa na makita ulit kami. Alam kong nagpipigil s'ya ng tawa, lalo na sa pahapyaw na mga iling n'ya.

"Naglolokohan lang kami ni Excal," sabi ko at binigyan s'ya ng isang malawak na ngiting sinabayan ng sandaling pagyakap. "Nasa'n na 'yong iba? Pag-usapan na natin 'yong natanggap n'yong invitation."

[Seven-Minute Semblance] GENIUSFORSALE & VORSTELLUNGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon