Chapter 15 - Last Lie

6.9K 536 834
                                    

Futhark

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Futhark.

7. January.
Friday, 7:30 p.m.
#34 Goose Bay Street.
San Lazaro.

BINUHAT KO na si Edward. Kapag nanatili pa kami sa bahay na 'to ay baka madamay kami sa pagsabog.

BEEP BEEP BEEP BEEP BEEP!

Napakaingay. Nakakatuliro.

Kailangan kong manatiling kalmado para sa kanilang tatlo.

"Fu, bitawan mo ako!" sigaw ni Edward. Nagpupumiglas siya para puntahan ang mama niya. "BITAWAN MO AKO FU, SI MAMA!"

"ED!"

Nakaalpas siya mula sa pagkakabuhat ko at kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto. Bumangga siya kay Lae na bitbit si Joyeuse sa tagiliran niya na parang bagahe.

"Kailangan na nating makaalis dito, ano ba?!" Hinila ko ulit si Edward at binuhat siya palabas ng kwarto.

"Lae!" pagmamakaawa ni Ed. "Lae, si mama! Iligtas mo si mama!"

Inalog ko ang mga balikat niya. "Ed, bomba 'yon! Lumabas na tayo!"

Na-out of balance ako nang ibato sa 'kin ni Lae si Joyeuse. Napadapa kaming tatlo, kasama si Edward, sa sahig. Tiningala ko si Laevateinn para malaman kung bakit niya hinagis si Joyeuse.

Tumayo si Lae sa may pintuan, seryoso ang mukha. "Leave," sabi niya. "I'll do what I can do."

Nanlaki ang mata ko. "No! Sumama ka na rin sa 'min, Lae!"

Hindi na nakapagsalita si Edward at si Joyeuse, pareho silang natulala sa pinapakitang kabayanihan ng aming Superman.

"Futhark," utos ni Lae. "Get them home safely."

Pagkatapos ay sinarado na niya ang pinto.

Wala akong magawa kundi tumayo at hilahin sa braso sina Edward at Joyeuse. Nalilito at kinakabahan ako nang husto.

"Halina kayong dalawa!" sigaw ko sa kanila. Nahulog ang laptop bag ni Ed, pero wala na kaming oras para balikan 'yon.

"Si Lae, si mama, anong—"

"Magtiwala tayo kay Lae, Edward! Halika na!" Buong pwersa ko siyang hinila pabalik sa sala. Natulala na lang siya at napadali ang pagtakbo namin dahil hindi na siya nanlaban pa.

Si Joyeuse naman ang dumagdag sa problema ko dahil hindi siya tumitingin sa dinaraanan niya. Binabalik-balikan niya ng tingin ang kwarto.

"Joyeuse, bilisan mo!" sigaw ko sa kanya.

"It's a bomb," sabi niya sa nanginginig na boses. Bakit parang kanina ay hindi naman siya natatakot doon sa bomba? May bigla ba siyang naalala—

Napakagat ako sa labi ko. "It is a bomb but Laevateinn can stop it," I assured him, kahit ako mismo ay hindi sigurado.

[Seven-Minute Semblance] GENIUSFORSALE & VORSTELLUNGENWhere stories live. Discover now