VORSTELLUNGEN || Chapter 12 - True Colors

8K 472 638
                                    

Fraulein Snow

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Fraulein Snow.

9. April.
Sunday, 1:00 a.m.
Siegrin Mansion.

I HATED that Joyeuse forgot everything about me, but I hated what I was seeing in front of Ruhmfried's mansion more.

A carnival.

Like the carnival we set up in Mt. Sposa six years ago. Like that distraction we thought out to entertain the people and divert their attention from the terrorists.

Hindi ko alam kung nakakaalala na ba si Joyeuse at niloloko n'ya lang ako, pero grabe namang pagkakataon 'to. Na halos lahat ng ginagawa niya ngayon ay katulad ng mga pinlano at ginawa namin noon. Na halos lahat ng mga pangyayari ay katulad ng takbo ng mga pangyayari noon.

Nakahanap ng mga bagong kaibigan si Joyeuse. Nakahanap siya ng kasamang magplano. Pagkatapos mag-solve ng isang murder case ay nagpasabog sila ng isang lugar. Pagkatapos ng pagsabog ay nag-set up sila ng isang peryahan na pinapatakbo ng mga kriminal.

Inutusan ako ni Lae na nakawin ang nakuha nilang susi mula sa mansyon ni Ae. Ang nakakatawa, hindi sinabi ni Lae kung anong itsura ng susi. Hindi rin niya sinabi kung saan ito nakalagay, kung sino ang nagtatago nito, at kung dito ba dinala nina Joyeuse sa mansyon ni Ruhmfried ang mismong susi.

Pero mas nakakatawa ang trato sa 'kin ni Lae ngayon.

Laging matalim ang tingin niya. Kapag kinakausap ko siya ay napakatipid ng mga sagot niya at kadalasan pa ay kung hindi sarkastiko, masasakit at mapang-atake ang mga sinasabi niya. Talagang pinagduduldulan ang pagiging sira-ulo ko. Hahaha.

Ha.

I deserved that. Ilang buwan ko rin silang niloko at pinapaniwala na ako ay isang hamak na Futhark, pambansang houseboy.

Nagpanggap lang naman akong mabait dahil abusado na ng mundo si Edward at kaibigan ang hanap niya, hindi karibal, hindi isang taong araw-araw susubukin ang talino niya. Si Joyeuse ang bahala sa papel na 'yon.

Ahaha.

Napahawak ako sa noo ko.

Lumalamig na rito sa punong pinagtataguan ko. Wala pa ring tumatawag sa 'king tauhan para ibigay ang eksaktong lokasyon ng kwarto nina Joyeuse. Kung nahuli man sila ay dapat may lalabas na alert sa cellphone ko.

Huminga ako nang malalim at umihip sa kamay ko. Lilipat muna ako ng pinagtataguan at hahanap ng pintong walang camera o bantay.

Pagtayo ko ay bigla akong nahilo. Bumagsak ako pabalik sa damo at sa takot ko na baka may makarinig sa 'kin ay sumiksik ulit ako sa mga halaman.

Ah. Shit.

Sa lahat ng araw para magkasakit.

Akala ko ay matibay ako, susukuan ko rin pala ang training ng Vorstellungen. Pagod, ibang klima, gutom, at sama ng loob. Sino ba namang hindi magkakasakit.

[Seven-Minute Semblance] GENIUSFORSALE & VORSTELLUNGENWhere stories live. Discover now