VORSTELLUNGEN || Chapter 9 - Tight Beginnings

6.9K 459 604
                                    

Fraulein Snow

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Fraulein Snow.

1. April.
Saturday, 3:00 p.m.
Vorstellungen.

KABADO AKO. Isang buong linggo.

Wala si Joyeuse, wala si Edward. Si Lae lang ang tanging nakasama ko nitong mga nakaraang araw. Kung tutuusin, hindi rin pala kami nagkasama dahil lagi siyang wala at nasa tawag ng trabaho.

Si Sir Arthur ang kasama kong makihalubilo sa mga tao rito. Tuwing umaga pagkatapos ng agahan ay tinuturuan niya akong humawak ng baril. Tuwing hapon naman ay tinuturuan niya akong umasinta at bumato gamit ang kutsilyo. Tinuturuan din niya akong makipaglaban.

More on offense, hindi kagaya ng mga tinuturo sa amin noon ni Sir Henry na more on defense.

"Remember what Lance and I taught you about body language," sasabihin ni Sir Arthur. "Read their weaknesses and attack those."

Ilang beses na akong nabalibag dahil kahit alam ko kung saan ako dapat umatake, hindi ko kayang makipagsabayan sa mga tao rito.

At sa isang organisasyong puno ng importanteng tao, walang may pakialam kung sino ako. Walang may pakialam kung galing akong Wonderland Org dahil may ilan sa kanila na galing din ng Wonderland, ang ilan pa'y mas matagal na sa 'kin.

Walang may pakialam kung ako si Time o Fraulein Snow o Futhark dahil kilala nila ako bilang taga-timpla ng kape nila tuwing umaga.

Kapag nakikita nila ako, lalo na sa kusina, hindi ako isang batang nagbenta ng isang munisipalidad, hindi rin ako 'yong lalaking nagtatag ng ilang maliliit na sindikato sa Pilipinas. Isa lang akong ordinaryong lalaking hingian at taga-timpla ng kape.

Akala yata nila ay dahil half-Norwegian ako ay ginagawa kong tubig ang kape. Hindi, nagkakataon lang na kada makikita nila ako rito sa kusina ay nagtitimpla ako ng kape.

"You look troubled," ani Sir Arthur, habang pinapanood akong magtimpla ng kape para sa isang dosenang assassin na biglang nagdeklara ng coffee break.

"Hindi, sir," tugon ko. "Medyo marami lang po talaga akong tinitimpla ngayon."

Inayos niya ang buhok niya at ikinlip ito gamit ang pulang letrang B niyang clip na nasa kanya pa rin pala hanggang ngayon. Baka binigay sa kanya ni Sir Lance dahil noong nasa 372A High Street kami, si Sir Lance ang gumagamit ng clip.

"Why are you even making coffee? I've never seen you drink them."

Napahinto ako't napataas ng kilay. Pagkatapos ng ilang segundo ay pinagpatuloy ko ang pagsasalin ng mainit na tubig at sumagot ng, "Nakasanayan lang po."

"It's because of Uresonderry, isn't it?"

Muntik ko nang mabitawan ang takureng may mainit na tubig. Bahagya akong tumawa. "P-Paano naman po magkakaroon ng kinalaman si Joyeuse sa pagtitimpla ko ng kape?"

[Seven-Minute Semblance] GENIUSFORSALE & VORSTELLUNGENWhere stories live. Discover now