Chapter 9 - Misadventures in the Brown Mansion

9.4K 574 859
                                    

Edward Dace

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Edward Dace.

28. November.
Sunday, 8:00 p.m.
The Browns' Mansion.

MAY NAMATAY, may dumating na ambulansya, sinabi ni Mistletoe na murder ang nangyari, at ngayon ay naghahanap kami ng pagkakataong makalapit sa asawa at gamit ni Mrs. Stevenson, ang computer engineer na nalason ng—kung tama ang hinuha ni Mistletoe—ricin.

Sumagi pa sa isip ko kung may sumigaw kanina. Mala-anime na "KYAAAAH" dahil may isang babae na bigla na lang bumulagta at nalagutan ng hininga. Sabi ni Mistletoe, walang sumigaw. May mga skandalosa raw na tumili, pero 'yong tipikal lang na "Ay! Aaaay! Ay nalaglag!".

Tinanong ko si Mistletoe kung paano n'ya nasabing 'yong asawa ang pumatay kay Mrs. Stevenson.

"Binuksan kanina ni Mrs. Stevenson 'yong card na gustong ipadala ni Mr. Stevenson sa 'min as RSVP, dahil nabalik ang usapan sa pagka-calligraphy ni Mr. Stevenson," Mistletoe retold as we tried sneaking into the Browns' hall, where Mrs. Stevenson laid dead before the ambulance took her away. The Browns asked the guests to move into whichever of their living rooms. "Nabanggit ka nga kanina ni Mr. Stevenson, a man of culture ka daw."

I mentally corrected his grammar, then asked, "Silang dalawang mag-asawa lang ba ang nandito? Nasaan na 'yong card at 'yong bag ni Mrs. Stevenson? Sinu-sino ang humawak ng card?"

We stayed outside the hall for a while, waiting for a chance to enter.

"Si Mrs. Stevenson lang ang humawak. Walang may interes sa calligraphy sa kanila. Tingnan natin kung nandon sa mga kakwentuhan nila kanina 'yong bag, baka sila ang humawak. Wala akong nakitang bag na bitbit si Mr. Stevenson, nasa asawa n'ya ang buong atensyon n'ya."

May humigit na naman sa kwelyo ko. Mananapak na sana ako kung hindi ko lang nakita kaagad na si Macey ang humila sa 'kin. Simula bata kami ay walang ginawa si Macey kundi hilahin at kaladkarin ako.

"Ed, Mist!" Hinampas-hampas n'ya kami sa balikat. "Grabe, nakita n'yo 'yong nangyari kay Mrs. Sophie?"

"Stevenson?" tanong ko.

Tumango s'ya. "Nasa kusina ako kanina no'ng nagsigawan sila, tapos oooy, grabe 'yong narinig kong chika, pinapatay daw ng druglord."

"Druglord?" ulit ni Mist. "Pero, 'yong ano kasi, hah?"

Lumingon-lingon ako sa paligid at hininaan ang boses ko. "Sinong druglord? Bakit druglord? Saan mo narinig 'yan?"

Naghina rin ng boses si Macey at lumapit pa sa 'min ni Mist. "Hindi daw nakabayad ng utang 'yong asawang engineer, kaya s'ya 'yong binalikan."

"Narinig ko nga kanina na may utang nga raw na hindi nabayaran," sabi ko. "'Yon kaya 'yon? Pero ang sinasabi naman nito," tumuro ako kay Mist, "ay 'yong asawa raw ang pumatay. Bakit mo naman nasabing 'yong asawa 'yong pumatay?"

[Seven-Minute Semblance] GENIUSFORSALE & VORSTELLUNGENWhere stories live. Discover now