CHAPTER 1

909K 17.7K 3.1K
                                    

Chapter 1: I Like You

"MAGBAYAD ka na ng renta mo, Nisyel!"

Napapitlag ako nang biglang sumigaw mula sa labas ang landlady ko. Palibhasa walang asawa kaya masungit. Tsk!

Dahil ayaw kong mai-stress ang aking kagandahan, pinasakan ko ng earphones ang magkabilang tenga ko. Bakit ba kasi ang kulit niya? Ilang beses na niya akong siningil sa araw na 'to. Panglimang beses na yata ngayon. Ang alam ko fifty-three palang ang edad ni Lady Marianita slash Lady M pero parang matandang ulyanin na siya.

Bakit niya pinipilit magbigay ang taong walang maibigay? Hindi ba niya alam na konti na lang ang magaganda ngayon sa mundo? Masyado niya akong inii-stress. Hindi pa naman ako puwedeng mai-stress dahil kabilang ako sa lahi ng mga endangered species. Kapag pumangit ako sa sobrang stress baka manganib ang lahi ng mga susunod na henerasyon.

Kaya dapat kalma lang ang feslak ko. Kalma lang, Nisyel. Inhale. Exhale. Less stress, less wrinkles.

Pero sadyang marami talagang manhid sa mundo dahil kahit naka-full volume na ang mumurahin kong earphones, dinig na dinig ko pa rin ang sunod-sunod na pagkalampag ni Lady M ng pinto.

"Nisyel! Buksan mo 'tong pinto at harapin mo 'ko! Nasa'n na ang bayad mo?!"

Huminga ako nang malalim, mga ten feet below the ground. I closed my beautiful, tantalizing brown eyes. This is it! Para sa kapakanan ng mga endangered species.

"Lady M, wala nga ho akong pambayad! Pero may memo plus po ako dito kung gusto n'yo ito na lang ang ibayad ko kasi nagiging ulyanin na kayo. Panglimang beses n'yo na 'tong paniningil ngayong araw! Unli po kayo? Unli?"

Sandaling katahimikan ang namayani pagkatapos kong isigaw 'yon. Deym! My precious face! Sana hindi ako magka-wrinkles nito.

"Aba't! Hoy, babae! Hindi ako ulyanin! Pinapaalalahanan lang kita para hindi mo makalimutan. Aba'y tatlong buwan ka nang hindi nakapagbayad. Diosmio!"

"Hayaan n'yo po, bukas gagawan ko ng paraan," medyo kalmado kong sagot dahil kumalma na rin siya.

"Bukas na naman? Puro ka na lang bukas. Palagi na lang bukas. Kailan ba darating ang bukas na 'yan?" madamdamin niyang sagot.

"Lady M, pinangakuan ba kayo ng ex n'yo noon na napako?" tanong ko na hindi pa rin binubuksan ang pinto dahil wala naman akong maibibigay na pambayad. Bigla na namang namayani ang katahimikan. Bumilang ako ng sampung segundo sa utak ko pero wala pa ring nagsasalita mula sa labas.

Umalis na kaya si Lady M?

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at pinihit ito. Tumambad sa kagandahan ko ang naninibughong mukha ni Lady M na parang nawalan ng Forever.

"Tinakbuhan niya ako sa araw ng kasal namin," puno ng hinanakit na untag nito.Oh nose! Nawalan nga siya ng forever! "Hayaan n'yo na po 'yon, Lady M. Mahahanap n'yo rin po ang forever n'yo..." Tiningnan niya ako ng masama. "..sa tamang panahon," dagdag ko na lalong ikinaasim ng kanyang kulubot na mukha. Mukha tuloy siyang ampalaya na kulubot ang balat.

"Walang forever!" aniya. Bitter. Bagay talaga sa kanya ang titulong, Walking Ampalaya. Bitter na nga kulubot pa.

"Ang bitter n'yo naman, Lady M. Kaya ba tumandang dalaga kayo dahil nag-run away groom 'yong ex n'yo?"Bigla na namang nagbago ang kanyang mukha. Mula sa maasim ay naging mapakla ito.

"Lady M?"

"Hindi ako bitter! Sadyang nasapak lang ako ng realidad. Ang forever na 'yan, para lang 'yan sa mga umaasa. Forever na umaasa! Lahat ng bagay may katapusan,"madramang saad nito na ikinalaglag ng aking panga.

The Untouchable BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon