CHAPTER 25

358K 7.9K 359
                                    

Chapter 25: Confrontation

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang tinakbuhan ko si Mama sa kanyang bahay.

Kamusta na kaya siya?

Hinahanap niya kaya ako?

Alam niya kaya itong address ng apartment ko?

Malamang, hindi. Wala namang ibang mapagtatanungan 'yon, eh.

Mabuti na rin sigurong hindi muna kami magkikita ni Mama. Baka ipagpipilitan niya lang ulit na hiwalayan ko si Dee.

Si Dee. Isa pang bumabagabag sa isip ko ang pagsisinungaling ko sa kanya. Paano kaya pag malamang niyang Mama ko ang nagtangka noon sa buhay niya?

Ano ba 'tong buhay ko?

Hindi naman ako nagkakaganito dati, ah.

Mahal ko ang boyfriend ko pero ayaw sa kanya ng Mama ko. Ang saklap.

Teka nga lang. Bakit ba nagdadrama na naman itong utak ko?

Erase. Huwag mong iisipin ang problema mo, Nisyel, baka tubuan ka ng wrinkles sa singit. Hay.

Oo nga naman. Bakit pinoproblema ko ang problema? Bahala siya sa problema niya!

Napatigil ako sa pagmuni-muni nang tumunog ang aking cellphone.

Dee Calling...

Eh?

"Dee? Bakit ka napatawag? Gabi na, ah?"

"I missed you."

Hihihi. Tengene. Kinikilig ang balahibo ko!

"Talaga, Dee? You miss me?"

"So much."

Waaah! Ano ba 'yan! Napatalon ako sa sobrang kilig.

"Ako kasi, Dee hindi kita nami-miss eh... Hehe."

"W-why?"

"Eh, kasi miss na miss na miss na miss kita kahit buong araw tayong magkasama kanina. Hehe... Ang landi ko, 'no?"

Narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya.

"What are you doing there?"

"Heto, Dee, kausap ka. Bakit ikaw anong ginagawa mo riyan? Hindi ka pa ba matutulog?"

"I'm here."

Huh?

"Ano 'yon, Dee?"

"I'm here outside your apartment."

Hala!

Mabilis kong tinungo ang bintana at binuksan. Totoo nga! Nakasandal siya sa kanyang kotse habang nasa tainga ang isa niyang kamay at nakapamulsa naman ang kabila.

Ang wafu talaga ng dragon na 'to kahit gabi. Kitang-kita talaga ang tangos ng kanyang ilong dahil sa liwanag ng street lights.

Pinatay ko ang tawag at mabilis akong lumabas ng kwarto saka bumaba.

"Dee."

Nakita kong mabilis niyang ibinulsa ang kanyang cellphone at sinunggaban ako ng yakap.

"Teka, bakit hindi ka pa nakabihis? At saka kailan ka pa narito?" Pag-uusisa ko sa kanya. Suot-suot niya pa rin kasi ang damit niya kanina sa opisina.

Teka....

"Hindi ka na naman umuwi pagkahatid mo sa'kin kanina?"

Tumawa lang ito at hinigpitan ang pagkayakap sa'kin.

The Untouchable BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon