CHAPTER 23

345K 8.1K 399
                                    

Chapter 23: Torn

"Siya... Siya ang iyong tunay na ina, Nisyel..."

"...si Ma'am Andrea Pelaez."

"T-tunay k-kong i-ina?" nauutal na tanong ko.

"Oo. Ako nga Nisyel. Ako ang tunay mong ina."

"A-andrea? Andrea Pelaez ang pangalan niyo?"

Naluluha itong tumango sa akin ngunit nakangiti. Umupo ito sa tabi ko at hinigit ako para yakapin.

Bakit gano'n?

Bakit kusang lumalabas ang mga luha sa aking mga mata?

Pakiramdam ko nag-uumapaw sa saya ang aking dibdib.

Sa wakas ay may matatawag na akong Mama.

Sa wakas may mayayakap na akong ina.

Sa wakas natagpuan ko na ang pinagmulan ng aking pagkadyosa.

"Kay tagal kong nangulila sa'yo anak ko," naiiyak na sambit nito habang hinahaplos ang aking buhok.

Pinikit ko ang aking mga mata.

Kahit ngayon lang, gusto ko munang damhin ang pakiramdam na mayakap ang aking ina.

Bahala na. Bahala na kung ano ang kahihitnan ng lahat ng ito. Bahala na kung kinamumuhian siya ng lalaking mahal ko. Ang mahalaga nandito na siya ngayon. Ang mahalaga ay yakap-yakap ko siya sa sandaling ito.

Ilang minutong tumagal ang aming yakapan bago kami kumalas sa isa't isa.

"Teka. Sigurado po ba kayong kayo talaga ang nanay ko? Eh, bakit mas maganda ako sa inyo?"

Napatawa siya sa tanong ko, gano'n din si Mang Tibo at si Aling Imelda.

"Manang-mana ka sa iyong ama. Kamukhang-kamukha mo siya," anito at sinapo ang aking magkabilang pisngi.

"Ama? Asan po ang aking tatay?"

"Hindi ko alam, anak. Iniwan niya ako simula nang malaman niyang nakulong ako."

"N-nakulong ho kayo? Hindi kayo nag-abroad? Kaya ba ninyo ako ipinamigay kasi nakulong kayo?"

"Mahabang kuwento, anak, pero huwag kang mag-aalala, ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat. Pero tandaan mong hindi kita ipinamigay tulad ng inaakala mo. Kinailangan ko lang gawin 'yon para sa kapakanan mo."

Napatungo ako sa aking narinig. Kawawa naman pala ang Mama ko.

"Alam mo, ang saya-saya ko ngayon, anak. Kasi nakikita kong lumaki kang maganda at mabait tulad ng aking inaasahan noon." Napaiyak rin ako nang tuluyan ng umiiyak siyang nakatitig sa aking kabuuan.

"Ang saya-saya ko rin po, M-mama."

Lalong tumulo ang kanyang mga luha at niyakap na naman ako.

"Ulitin mo nga, anak. Gustong-gusto kong marinig ang tawag mo sa'kin." Wika nito.

"Mama... Mama ko."

"Salamat. Salamat, anak ko."

Ang drama pala ni Mama. Mas malala pa siya kay BFF. Nahahawa tuloy ako sa pagiging iyakin niya. Hindi siya tumigil sa kakaiyak habang yakap-yakap ako.

"Tahan na po, Mama. Nasasayang ang luha niyo, eh. Bababa ang inflation rate."

Napatawa na naman sila at pagkatapos ay bumitaw na rin kami sa yakap.

"Teka lang po. Eh, bakit po Borora ang apelyido ko? Hindi po tulad ng sa inyo? Ilang beses na tuloy na-murder ang pangalan ko."

"Sinadya naming i-rehistro ka sa gano'ng pangalan dahil baka magtaka ang ibang tao kung bakit iba ang apelyido mo, iha. Isa pa, hindi na rin namin naisangguni iyon kay Ma'am Andrea dahil hindi namin siya nalapitan simula nang makulong ulit siya," mahabang paliwanag ni Mang Tibo.

The Untouchable BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon