CHAPTER 11

503K 13.3K 3.8K
                                    

Chapter 11: Operation: Panliligaw

Literal na nanlaki ang aking mga mata at napawaang din ang aking mga bibig kaya tinakpan ko ito gamit ang kaliwang kamay ko dahil baka pumasok ang hindi dapat makapasok.

But... Seriously?

Ito pala ang pinagkakaabalahan ni Sir?

Walanjo! Ang sungit-sungit niya sa mga empleyadong kukupad kupad sa pagtatrabaho pero nag-go-google lang naman pala siya!

Tapos sa daming ng pwedeng i-search, ito pa? Magagamit ba niya 'to sa business?

HOW TO COURT A WOMAN

Bakit nagri-research si Sir tungkol sa panliligaw?

May liligawan ba siyang babae?

Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla itong sumikip.

Parang nalulungkot ako sa isiping may liligawan si Sir D.

Bakit kaya?

Aha! Tama. Tama.

Nalulungkot ako para sa mamalasing babae na liligawan ni Sir.  Napakamalas talaga ng babaeng 'yon kapag nagkataon.

Ako kaya? Kailan kaya ako makakakita ng liligawan?

At isa pa, paano ba manligaw ng lalaki?

Makapag-google nga mamaya.

Ini-scroll ko ang mouse para mabasa ang nakasulat sa article.

HOW TO COURT A WOMAN

1. Remember that courting is different from dating.

2. Determine yourself if you're ready to do it.

3. Understand the importance and benefits of courtship.

4. Be friend with the girl you want to court.

5. Know her family.

Ang duga talaga ni Sir D, kung makabulyaw siya ro'n sa mga mamang tagalinis, akala mo kung ginagawa niya talaga ang trabaho niya.

Eh, wala ngang ka-kwenta-kwenta 'tong ginagawa niya, eh. Naturingang genius, hindi pala marunong manligaw 'tong si Sir! Tsk.

"WHAT ARE YOU DOING?"

"Ay! Palaka!"

Napaigtad ako nang biglang umalingawngaw ang baritonong boses ng dragon sa buong opisina.

Napakagat-labi ako at dahang-dahang lumingon.

And there. Standing furiusly with his jaw clenched and his hands balled in fists.

Sa sobrang kaba ko, hindi ko napansing napapa-english pala ako.

"Eh.. Hehe. S-sir, kayo pala. Hehe."

Wala sa sariling napakamot ako ng ulo ko.

Dead meat ka na naman, Nisyel.

"WHAT ARE YOU DOING WITH MY LAPTOP? DIDN'T I TELL YOU TO GO BACK TO WORK?"

Deeemn! Beast mode na naman si D!

Ayan kasi, Nisyel, nangingialam ng hindi dapat pakialaman, eh!

"Magri-research lang po sana ako kung paano kinakatay ang isang dragon. Hihi."

"WHAT?"

"Ay hindi po pala. Hihi. Magri-research po ako kung paano manligaw ng dragon para umamo."

The Untouchable BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon