CHAPTER 21

395K 9.3K 913
                                    

Chapter 21: Mad

Bigla akong napatda sa aking narinig. Pakiramdam ko may sumabog na bomba sa aking harapan.

Eh? Ang OA naman nun Nisyel, bomba talaga? Hindi puwedeng balloon lang muna?

Pero... Seriously?

Ang Bianca na tinutukoy pala nila ay ang BFF kong si Bingbing?

Parang naaalog yata ang utak ko sa nalaman ko.

Nagawa ba talaga ni Bingbing na lokohin si Dee noon?

Hindi. Hindi ako naniniwalang magagawa 'yon ni BFF nang walang mabigat na dahilan.

Pero siguro ay narito si BFF para mag-sorry kay Dee.

Tama.

"Kailangan nating mag-usap, Skeet," matatag na wika ni BFF at puno ng determinasyon ang kanyang mukha. Pero pareho kaming napakislot ng sumigaw si Dee.

"OUT!"

"Dee naman, eh. Hindi siya bingi at naririnig ka niya kaya hindi mo kailangang sumigaw. Narito siya para mag-sorry sa'yo."

"'Di ba, BFF, magso-sorry ka naman talaga sa kanya? Sumang-ayon ka na lang baka pareho tayong lilipad palabas ng SDM Building," mahinang bulong ko kay BFF.

"You are out of this, Nisyel." Ma-awtoridad na pahayag ni Dee.

Pero, tama ba ang pagkakarinig ko?

Tinawag niya akong Nisyel?

Hindi niya ako tinawag na Mee?

Galit ba siya kasi BFF ko si Bingbing?

Bigla akong napatungo ngunit pareho kaming napatalon ni BFF nang dumagundong na naman ang baritono nitong boses.

"WHAT ARE YOU WAITING FOR? GET OUT! NOW!"

"BFF!" Hindi ko na nahawakan si Bingbing nang mabilis itong lumabas ng opisina at hindi man lang ako nilingon.

Naiwan akong gulong-gulo ang  isip at hindi ko alam ang aking gagawin.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin ni Dee. Ramdam ko ang mabigat nitong paghinga kahit malaki ang distansyang nakapagitan sa amin.

Dahan-dahan kong ipinaling ang aking ulo para mapagmasdan siya.

Ngunit parang gusto kong tumakbo palabas ng opisina nang tuluyang magtagpo ang aming mga mata.

Galit siya.

Napakagat ako sa aking ibabang labi.

"Galit ka rin sa'kin, Dee?" malungkot na tanong ko habang nakayuko.

Hindi siya sumagot ngunit naramdaman ko ang paglapit nito sa direksyon ko.

Eh?

Papalabasin niya rin ba ako tulad ni BFF?

Hindi. Hindi ako lalabas kahit palalabasin niya ako.

Paano kung kakaladkarin niya ako?

Hala!

Ayan na! Malapit na siya. Malapit na malapit.

Ipinikit ko ang aking mga mata at humawak nang mahigpit sa gilid ng mesa para hindi niya ako makaladkad.

"What the hell have you done to my phone?" tanong nito.

Huh?

Napamulat ako ng aking mga mata at gano'n na lang ang pagkataranta ko nang makitang pinupulot nito ang cover at battery ng kanyang cellphone mula sa sahig.

The Untouchable BeastWo Geschichten leben. Entdecke jetzt