CHAPTER 22

376K 9.2K 1.2K
                                    

Chapter 22: Unveiled

"I'm sorry, sorry. Sorry, Mee. Shh..." natatarantang wika ni Dee at niyakap ako nang mahigpit. Naramdaman kong parang nagtataas-baba ang kanyang dibdib.

"Ikaw kasi, Dee, eh. Ayaw mong makinig sa'kin, gusto ko lang naman na magkaayos kayo ni BFF, eh," untag ko habang nakasubsob sa kanyang dibdib.

"BFF?" Naguguluhang tanong nito.

"Ayaw mo bang maniwala? Siya ang BFF kong hindi nagpakita sa'kin  ng pitong taon."

"WHAT?!"

"G-galit ka?"

"No, no, no... Of course not! I'm not mad at you, Mee. I won't and I can't. I love you. Shh... stop crying please?"

Eh?

"Promise? Hindi ka na galit?" Pagkukumpirma ko at humiwalay sa yakap. Pinahid ko ang aking mga luha gamit ang likod ng dalawa kong kamay.

"Promise, I'm not. You just made me worried, Mee. You weren't in your apartment when I went there to fetch you. I called you for I don't know how many times but I found out that you left your phone there. I asked your landlady but she told me you left early. You can't blame me though, you made me so worried about you, Mee." Pagpapaliwanag nito habang sapo ang aking mukha. Tinititigan niya ako nang diretso sa mga mata.

Balak yatang maglaro ni Dee ng tomato dance.

"S-sorry na, Dee. Nakalimutan ko kasing magpaalam na dadalaw ako sa Orphanage, eh. 'Tsaka hindi ko namalayan ang oras nang magkausap kami ni BFF."

"Okay. It's okay. Now that you're here, I'm relieved. Just please don't do that again, Mee. You'll be the death of me," malambing na saad ni Dee at niyakap na naman ako.

"Hayaan mo sa Sabado isasama kita roon, Dee. Nami-miss ko na kasi sila ro'n. 'Tsaka sila lang kasi ang nakagisnan kong pamilya."

"Is that so?"

Tumango ako at lalong isiniksik ang aking ulo sa dibdib ni Dee. Naramdaman kong hinaplos nito ang aking likod.

Heaven!

Confirmed na confirmed ko na talaga na bipolar itong boyfriend kong dragon. Kanina-kanina lang parang kakainin niya ako nang buhay pero ngayon ang lambing-lambing niya.

Sana lang ay magkaayos na sila ni BFF. Sana kausapin niya na si Bingbing para happy ever after na kami. Speaking of BFF...

"Waaah! Dee! Si BFF pala!"

Mabilis akong kumalas sa pagkayakap at tinungo ang pinto ngunit nanlumo ako nang matagpuang wala na si BFF sa visitor's lounge.

"Tss. She already left," turan ni Dee na nakasunod pala sa'king likod. Pinamewangan ko siya at tiningnan nang masama.

"Kasalanan mo 'tong dragon ka! Bakit kasi pinaalis mo siya? Alam mo bang sinayang mo ang oras niya at energy? Ang arte mo kasi, eh. Magso-sorry na nga 'yong tao dinededma mo pa! 'Yong totoo, Dee? Nagpapakipot ka ba o nagpapabebe lang?" bulyaw ko sa kanya. Namumuro na kasi talaga siya. Ang dami niya pang kadramahan sa buhay. Kung kinausap niya lang sana at pinakinggan si BFF, e 'di sana happy ending na kami. Tsk!

"Do you think it's easy as you think it is? You don't know the whole story, Mee, so stop nagging at me," walang emosyong tugon nito at parang nagtitimpi.

Siya pa? Siya pa ngayon ang nagtitimpi?

"Alam ko kaya. Kinuwento na sa'kin ni BFF. Hindi niya naman sinasadyang makipagsabwatan kay Mrs- Perez ba 'yon?"

"Pelaez," Komento ni Dee at biglang nagdilim ang kanyang mukha.

"Iyon nga! Pelaez! Pa'no mo nalaman 'yon, Dee? Pinakulong mo na ba 'yong Pelaez na 'yon?"

The Untouchable BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon