CHAPTER 30

374K 8.8K 930
                                    

Chapter 30: Holding On

SKEET'S POV

Hi, Love!

Happy, happy birthday! Masaya ka ba ngayon? I hope you are. Magugustuhan mo kaya ang regalo ko? I hope you would. Kailan ka pa ba magigising? Sana ngayon na. Miss na miss na miss na kita. Araw-araw kitang ninanakawan ng halik pero hindi ka pa rin nagigising. Aish! Gustong-gusto mo bang ninanakawan kita ng halik, Love? Ang sabi nila maaaring magaling na raw ang mga mata mo. Gusto ko sanang makita, Love, pero tulog mantika ka yata. Mahigit isang taon ka nang tulog, hindi pa ba nangangalay 'yang likod mo? Sana gumising ka na para mabasa mo lahat ng love notes ko sa'yo. I love you so much, Mee...

-Dee

Three hundred eighty-seventh love note.

Three hundred eighty-seventh american rose.

Three hundred eighty-seventh stolen kiss.

Three hundred eighty-seventh day.

Everybody says I should let her go but I can't and I will never let her go. Dito lang siya dapat sa tabi ko, nakikita at nahahawakan ko. Araw-araw ko pang ninanakawan ng halik itong mahal ko.

"Love, alam mo bang binili ko na lang itong buong hospital mula kay Tito Caleb? Balak mo kasi yatang tumira dito eh. Aish! But I won't mind though, sasamahan pa rin kita. Dinala ko na nga pati ang office ko rito. I want to be the first person you will see when you wake up."

I brushed her soft, silky hair. Ang ganda talaga ng mahal ko. Lalo siyang pumuti sa pananatili niya rito sa ospital.

"Ang sabi nila dapat pinakawalan na daw kita, Love. Nahihirapan ka na raw kasi. Sampung buwan ka kasing naka-life support. But I didn't give up, I know you wouldn't leave me hanging. See? Bumalik na ang heartbeat mo. Wala nang life support. Kahit matulog ka rito ng ilang taon, babantayan pa rin kita. Pero huwag mo namang paabutin ng sampung taon, Love, papakasalan pa kita at aanakan."

They almost gave up few months ago when her heartbeat stopped. But I held her on. Her heartbeat returned but she remained comatose until now.

'Nong mga panahong nawala ang heartbeat niya para akong inilibing ng buhay.

Isinumpa ko ang tadhana. Bakit pilit niyang inaagaw sa'kin ang mahal ko?

Kung may katawang-tao lang si kamatayan ay papatayin ko siya. Wala siyang karapatang kunin sa'kin ang pinakamamahal ko.

I also changed her bed into king-sized one para magkasya kaming dalawa. Dito na rin ako tumitira. Ayaw kong umuwi ng bahay kasi ayaw kong mawala sa aking paningin ang mahal ko.

"Love, alam mo bang ginupitan nila ang buhok mo no'ng inoperahan ka? Nagalit ako noon pero wala akong nagawa. 'Di bale na, tumubo pa rin naman ang buhok mo, ang haba na nga."

I sounded like a fool talking to an unconscious person, but the hell I care? I know she's hearing everything that I say to her.

Siguro nga totoo ang sinasabi nilang baliw na raw ako pero wala akong pakialam kung ang kinababaliwan ko ay ang babaeng mahal na mahal ko.

Kahit anong mangyari ay babantayan ko siya at hinding-hindi ko siya iiwan. Just a thought of her leaving me is too painful. I'm going crazy. Mababaliw ako kung mawawala siya. Kahit pumuti ang buhok ko sa kahihintay hanggang sa gumising siya ay gagawin ko. Gano'n ko siya kamahal. At kahit sa kamatayan ay susundan ko pa rin siya.

"Love, you know what? Maayos na kami ng Mama mo. Kinausap ko na siya at pinatawad. Di ba gusto mo 'yon? I also reconcilled with your bestfriend, Bianca. Pero huwag kang magseselos do'n, ah? Sinabi ko sa kanya kung gaano kita kamahal. Sinabi ko ring baliw na baliw na ako sa'yo. Kailan ka ba kasi magigising? Gustong-gusto ko ng makita ang mga ngiti mo, gusto ko ng marinig ulit ang tawa mo. Gusto ko na kitang kantahan ulit. Aish! Ilang ulit ko na yatang sasabihin sa'yong miss na miss na kita, Mee... Sobra!"

I traced her nose down to her soft lips. Sa araw-araw ko itong ginagawa hindi pa rin ako nagsasawang titigan ang mahal ko.

"Alam mo, Mee, memorized ko na itong mukha mo. Kahit yata nakapikit ako kayang-kaya kitang i-drawing. Do you know why? It's because I'm genius." I chuckled when I remembered something.

"Sabi ko mag-sorry ka na kay Gold."

"Why are you insisting it anyway? Tss."

"Eh, kasi Dee, hindi tamang ginaganun mo siya. Ang bait niya kaya, at isa pa kapatid mo siya, Dee, higit sa lahat, babae siya. Eh di para mo na rin akong inaaway no'n kasi magkalahi kami. Ikaw talaga, Dee, minsan hindi ko talaga lubos maisip kung bakit tinagurian kang genius, eh. Ang bobo mo kaya minsan. Ang hirap mo ring ispelingin. Tsk!"

"Everybody believes I'm genius. Nag-top one ako sa engineering board exam and I also got the highest rank and score ever recorded in CPA board exam. Ikaw lang yata ang hindi naniniwalang genius itong napakagwapong boyfriend mo, Love. Pero kahit hindi ka naniniwalang genius ako, mahal na mahal na mahal pa rin kita. You're right, I'm not genius, nagiging bobo kasi ako pagdating sa'yo. Isn't it funny?"

I realized love is too powerful. Nagiging bobo ang taong matalino dahil sa pagmamahal. Nagiging tuso ang taong mapurol ang utak. Nagiging baliw ang taong pinakamatino, and vice versa.

"Love, alam mo bang marunong din akong mag-gitara? Though I'm more expert on keyboards but I play a guitar as well. Didn't I tell you I can do everything for you? Do you want me to sing for you?"

I got my guitar from the connecting room and sat beside her again. I kissed the tip of her nose before I started strumming my guitar.

I want you to stay. Never go away from me Stay forever. But now, now that you're gone. All I can do is pray for you. To be here beside me again

My tears sprang. Pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko. I regret pushing her away. I love this woman very much. She tamed my dark side. She owns my heart. My everything.

I want you to stay never go away from me... Stay forever. I want to stay but I have to go my way...

"Happy birthday, Mee... I love you so much!"

Just I finished singing a song my tears started to fall again. Gusto ko nang mahagkan ang mahal ko na hindi natutulog. I badly want to feel the way she respond to my kisses. I want to feel her hugging me back when I'm hugging her. I want her to sit on my lap while I'm combing her hair. I want to hear her voice. I want to hear her sweet laughter. I miss everything about her!

"Love, please wake up. I  miss you so much and I think I'm going crazy!"

"Anak." I was startled when Mom hugged me from behind.

"Mom, I missed her. I missed her so much!" I don't care if I look like a crybaby in front of my mom.

"I know, son... I know. We missed her as well. We missed her... so much."

I once thought of killing myself too, so we can be together. But I realized she might wake up yet I'm gone.

"Huwag kang sumuko, anak. 'Di ba hindi ka nga sumuko noong may life support pa siya? Ngayon ka pa ba susuko kung kailan may pag-asa nang magising siya?"

"I'm sorry, Mom... Masakit na kasi dito." I pointed my chest while crying to my Mom.

"How long will I have to wait for her?"

"Magtiwala tayo sa kanya at sa Itaas, anak. Hangga't pasasaan ba'y maririnig din ng langit ang hiling nating ibalik siya."

Mom is right. I will never give up, I can't even if I wanted to.

Love, naramdaman mo na ba 'yong pakiramdam na gusto nang sumuko ng buong sistema mo pero ayaw ng puso mo? That is how I feel right now. Ang hirap na kasi talagang tiisin ng pagka-miss ko sa'yo. Para akong pinapatay sa araw-araw na hindi ka nagigising.

Bigyan mo naman ako ng petsa kung hanggang kailan ako maghihintay para hindi ako umasa.

Sana dalawin mo rin ako sa panaginip ko.

Kahit sa panaginip lang, Mee, gusto kitang makausap.

©GREATFAIRY

The Untouchable BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon