CHAPTER 40

362K 7.8K 725
                                    

Chapter 40: Father's Day

"ANG halik mo... namimiss ko! Ang halik mo... namimiss ko... Bakit iniwan mo ako? Oooh...oooh...."

"Nasasaktan ako, oh baby.. sa tuwing nakikita ka... Naninibugho ako oh baby... pag may kasama kang iba.."

"Sige pa, baby. Birit pa!"

"Pagkat ikaw ang tanging laman ng aking mundo, ng aking puso, ng aking buhaaaaaay! Ang halik mo! Namimiss ko! Ang halik mo...."

Napapalakpak ako sa tuwa. Ang galing-galing talaga ng baby Pinky ko. Kaya love na love ko 'to, eh.

"Kayong dalawa, makinig nga kayo kay Light Pink. Anong klaseng mga judge kayo? Nagtatakip ng tenga," turan ko sa kambal na krayola. Tanggap ko nang tawagin silang krayola kasi naisip kong tama nga naman si Dee. Pero bagay talaga sa kanila ang kani-kanilang mga pangalan.

"Mommy, hindi naman siya kumakanta eh, puro sigaw lang," maktol ni Dark Red. Napaka-supportive talaga nilang kapatid kay Baby Pinky. Hay.

Nagpa-practice kaming bumirit kasi isasali ko siya sa The Voice Kids. Buti na lang sa akin nagmana itong bunso namin. Luging-lugi na kaya ako sa panganay na kambal kasi kay Dee silang dalawa nagmana, pati ugali kuhang-kuha nilang dalawa. Kaya nga sila ang magkasundo eh.

"What's the noise all about? And why are you two, covering your ears?" Napatigil kaming lahat at napatingin sa pinto. Waah! Dumating na si Dee!

"Daddy!/Dee!" Sabay-sabay naming sigaw at tumakbo palapit sa kanya. Nanlumo ako nang maunahan na naman ako ng tatlo, huhu. Palagi na lang akong nauunahan. Ang bibilis nilang tumakbo kaya sila ang naunang yumakap.

Huhuhu. Sila ba ang asawa? Sila ba?

"Hey, you three, enough. Let me hug your mom," wika ni Dee habang yakap-yakap ang tatlo.

"Mga kids narinig n'yo 'yon? Ako naman. Awat na."

"Mamaya ka na, Mom. Katabi mo naman si Daddy sa bed, e." Nakalabing sagot ni Dark Blue.

"Oo nga, palagi ka ring hina-hug ni Daddy kahit sa kitchen," dugtong ni Dark Red at lumambitin pa lalo sa leeg ni Dee.

"Oo nga, palagi rin kayong sabay maligo sa bathroom."

Waaah! Pati ba naman si baby Pinky? Wala na akong kakampi. Huhuhu. Mga anak ko ba talaga sila? Bakit nila ako inaapi?

"Okay enough, kids. Go back to your rooms now."

"Dad!/Daddy!/Dad!"

"Enough, okay? I have surprise for you in your rooms."

"Waah! Talaga, Daddy?"

"Thanks, Dad!"

"I love you, Daddy!"

Napangisi ako nang nag-uunahan silang lumabas ng kuwarto namin Dee. Ang galing talagang dumiskarte ng asawa ko.

"Hey, miss me?" mapang-akit na tanong ni Dee at niyakap ako. Kahit eight years na kaming kasal, hindi pa rin siya nagbabago. Napaka-sweet pa rin niya kaya love na love ko siya, eh.

"I miss you, Dee..." sagot ko at pikit-matang gumanti ng yakap. Ang sarap talaga sa pakiramdam na mayakap siya.

"What happened to our room?" Pagkuwa'y tanong nito at inilibot ang paningin sa buong kwarto. Nakalimutan kong magligpit kasi naglaro kami ng bahay-bahayan kanina.

"Inosente ako, ha! Ipalinis mo ro'n sa mga krayola. Sila ang nagkalat dito, promise!" Untag ko at isinubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib.

"Pft! Silly... I know ikaw ang may pasimuno ng lahat. Why didn't you let them play in the playroom?"

The Untouchable BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon