CHAPTER 39

387K 8.4K 1.1K
                                    

Chapter 39: Lost

"Bakit nangangamoy masangsang na panty ang office mo, Dee? Siguro may linta kang dinala r,ito 'no?"

"What?"

"Anong what?"

"Meron talaga, eh! Napakasama mo Dee! Porke't lumaki na ang tiyan ko ipinagpalit mo na ako sa higad!"

"Wait-- where did that idea come from? I'm not cheating on you, Mee. Tss!"

Hindi ko pinansin si Dee. Ipinagpatuloy ko ang paghahanap sa nangangamoy na panty. Hindi ko nga alam kung bakit ang lakas ng pang-amoy ko, eh. Siguro ito na 'yong sinasabi ni Mama na epekto ng pagbubuntis. Tinungo ko ang private room niya at naghanap ngunit wala akong nakita kaya lumabas na lang ulit ako. Nakasunod naman ito sa'kin na parang aso.

Binuksan ko lahat ng mga drawers niya baka sakaling may makita ako. At hindi nga ako nagkamali.

Pero...

"Teka, ito ang nawawala kong bra at panty sa laundry, ah. Bakit nandito sa drawer mo, Dee?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Napakamot ito sa kanyang batok.

"Walang hiya ka, Dee! Muntik ko pang mapagkamalan si Manang Sonia na kinuha niya ang mga 'to tapos ikaw lang pala ang kumuha!"

"Sorry," wika nito.

"Anong sorry? At saka bakit mo ba dinala ang undies ko rito? Hindi pa naman to nalalabhan ah. Balak mo ba tong suotin? Nababakla ka na ba--"

"Of course not! Tss. I just want to smell you every minute, that's why."

"ANO?"

"What's wrong with bringing my wife's underwears in my office? I just can't get enough of you, Mee."

"Pero mabaho to, Dee!"

"Hindi naman ah. Ang bango pa nga, kaamoy mo." Ngumisi ito pagkatapos niyang simhutin ang panty ko na parang adik. Ew!

"Seriously? Anong natira mo, Dee?" kunot noong tanong ko.

"Juice."

"Juice?"

"Yeah. Nesfruta..." namamaos na wika nito at sinakmal ang aking perlas ng silanganan.

Walang anu-anong binuhat niya ako at dinala sa private room. Maingat niya akong inilapag sa kama at kumaibabaw sa'kin. Nakatukod sa magkabilang gilid ko ang kanyang mga braso para suportahan ang kanyang bigat.

"Nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko, Mee?" tanong nito. Titig na titig ito sa aking mukha at parang naglalaway.

"Oo naman... Parang kaysarap maglaro ng basketball."

"Alright. Magpapawis muna tayo," anito at mabilis na sinakop ang aking mga labi. Nirvana! Shet!

Nakatatlong game kami ni Dee ng basketball. Siyempre, as usual siya ang panalo. Ang dami niya kasing nai-shoot.

...

"TAKE CARE, okay?"

Tumango ako sa paulit-ulit na bilin ni Dee. Pupunta kasi kami ng mall ni Gold ngayon.

"Kuya naman. Huwag kang mag-alala, hindi ko naman papabayaan si ate. At saka, kasama naman namin si Kuya Nito, siya ang magda-drive," singit ni Gold na mukhang naiinip na.

"Tss. Just make sure hindi 'yan matitisod," bilin ulit ni Dee na ikinanguso ni Gold. Kanina pa kasi kami dapat umalis kaso parang nanay itong asawa ko. Ang dami niyang bilin na does and dont's samantalang sa mall lang naman kami tutungo ni Gold.

The Untouchable BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon