CHAPTER 27

398K 9.1K 1.1K
                                    

Chapter 27: Tears

AMETHYST'S POV (Skeet's Mom)

Galos-galos na katawan.

Putok ang mga labi.

Naliligo sa sariling dugo.

Hindi ko napigilang mapaiyak matapos naming makausap ang saksi sa pagkakabundol kay Nisyel. Kusang sumuko ang driver ng sasakyan matapos ang hindi sinasadyang aksidente. Ang sabi ng mga nakasaksi naka-green daw ang traffic lights kaya walang kasalanan ang driver dahil bigla na lamang sumulpot si Nisyel sa gitna ng kalsada.

Parang nadudurog ang aking puso nang makita siya kanina na walang malay na nakahimlay sa stretcher habang ipinapasok sa emergency room.

Bakit kailangang mangyari ito sa kanya?

Ano'ng kasalanan niya para parusahan siya ng ganito ng pagkakataon?

Si Nisyel na walang ginawa kundi ang magpakita ng kabutihan sa kanyang kapwa.

Napapangiti niya ang sinumang nasa paligid niya.

Maaaliw ka sa tuwing kakausapin mo siya.

Masayahin siyang babae sa kabila ng pinagdaanan niya.

Marami kang matutunan sa kanya kahit sa simpleng biro niya.

Unang kita ko pa lang sa kanya nahulog na agad na ang loob ko rito.

Napakadali niyang mahalin.

Dahil sa kanya nagkasundo ang aking mga anak.

Dahil sa kanya muling bumalik ang dating Skeet Alvan ng aming pamilya.

Dahil sa kanya nakita ko ang iba't ibang emosyon ng aking anak.

Napangiti at napatawa niya si Skeet, higit sa lahat napaiyak niya ito.

"DANG IT!"

"THIS ALL MY FAULT!"

Napahikbi ako habang pinagmamasdan si Skeet na paroo't parito sa harap ng pinto ng emergency room. Napapasabunot ito sa kanyang buhok at umiiyak.

Umiiyak ang anak ko. Sinisi niya ang kanyang sarili sa nangyari kay Nisyel.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong muli ko siyang nakitang umiiyak sa loob ng mahigit dalawampung taon.

"This is all my fault! This is all my fault!" Paulit-ulit na sambit nito habang umiiyak. Parang sinaksak nang paulit-ulit ang aking dibdib na masaksihang naghihirap ang kalooban ng aking anak.

"Tama na, Kuya, malalagpasan 'to ni Ate. Malalagpasan niya 'to," umiiyak na sambit ni Gold at niyakap ang kanyang kuya.

Gusto ko sanang matuwa na nakikita kong magkalapit na ang dalawa pero sa maling pagkakataon pa. My son looks so weak and devasted.

Napatingin ako kay Andrea na nakapangalumbaba sa sahig at nakasandal sa pader ng ER. Tulala ito ngunit masaganang umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na siya ang ina ni Nisyel.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin pero nilapitan ko siya at ginaya ang kanyang posisyon. Niyakap ko siya at isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat. Isa rin akong ina at alam ko kung ano ang pakiramdam na nasa panganib ang sarili mong anak.

"Ang sama-sama ko. Ang sama-sama kong ina!" Impit na wika nito sa gitna ng kanyang paghikbi.

"K-kasalanan ko ito! Sana ako na lang! Sana ako na lang ang nabangga! Sana ako na lang!" Humagulgol ito at gumanti sa akin ng yakap.

The Untouchable BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon