CHAPTER 19

426K 9.8K 700
                                    

A/N: Uulitin ko lang po, Nisyel is pronounced as Ni-si-el. Nagkakaliwanagan po ba tayo? Sana huwag po nating murder-in ang ating dyosang bida. 'Yon lang, salamat po.

Chapter 19: His Past

Excited face pose. Click!
Happy face pose. Click!
Serious mode pose. Click!
Poker face pose. Click!
Smiling face pose. Click!
Laughing face pose. Click!
Wacky pose. Click!

"Dee, isa pa! 'Yong kitang-kita talaga ang mga isda, ah?"

Click!

"Tss. That's enough. Let's get inside."

"Ang KJ mo naman, Dee! Isang pose pa dali! Pang-profile picture lang."

"Aish! Fine. Last one and we'll get inside."

Nag-pose ako ulit at ngumiti ako nang maladyosang ngiti para sa bago kong profile picture. Si Dee ang ginawa kong photographer. Hihihi. Ang galing kasi ng camera ni Dee, lalo akong gumaganda.

"Dee, ikaw naman. Kukuhanan kita ng picture, dali! Mag-pose ka na!"

"That's enough, Mee. Let's get inside. Come on."

"Sandali! Kung ayaw mong ma-gpose, eh 'di sasamahan na lang kita. Gagawin nating background 'yong aquarium! Ay! Gagawin nating cover photo!"

Napapalakpak ako sa sobrang excitement.

"Tss." Hindi ko pinansin ang nakabusangot na mukha Dee. Kanina pa kasi siya nagyayayang pumasok sa loob ng mansyon dahil masyadong mainit dito sa labas.

"Pindutin mo na, Dee, dali!"

Click!

Halos mapatalon ako sa sobrang tuwa nang matapos ang aming picture-taking. Ang galing talaga!

"We have enough time to take pictures, not now. You really need to rest, Mee."

Napatungo ako dahil ginamitan na naman niya ako ng ma-awtoridad nitong boses. Haay... Ang bugnutin talaga nitong boyfriend ko.

Boyfriend ko😊

Eh?

Bakit parang nakakakilig pakinggan?

Masubukan nga ang patience nito.

Inilahad nito sa'kin ang kanyang kamay para pumasok sa loob pero umiling ako at itinago ang dalawang kamay ko sa aking likod.

"Aren't you coming inside?" Nabuburyong tanong nito pero umiling ulit ako.

"Tinatamad akong maglakad. Out of order ang mga paa ko," walang emosyong tugon ko at humalikipkip sa kanyang harapan.

"Aish! Fine!" Naiinis na saad nito at binuhat ako. Hihihi. Ito ang gusto ko eh.

Kumuyapit ako sa kanyang leeg at isiniksik ang aking mukha dito habang buhat-buhat niya ako.

Ang bango talaga ni Dee.

"What are you doing?" anito.

"Pahingi naman ng pabango mo, Dee. Gusto ko 'tong amoy mo, eh."

"Tss. I love your scent and you don't have to change it."

Eh?

...

"Oh? Tapos na kayo? Anong nangyari riyan kay Nisyel? Bakit buhat-buhat mo 'yan?" Tanong ni Ma'am Amethyst na nakaupo sa sala kasama sila Sir Stan, Silver at Gold. Parang may pinapanood sila sa laptop.

The Untouchable BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon