CHAPTER 18

405K 10.7K 1.1K
                                    

Will you be my girlfriend for real?

Will you be my girlfriend for real?

Will you be my girlfriend for real?

Eh?

Kumurap-kurap ako nang labing-isang beses. Sinampal-sampal ko pa ang aking pisngi ng ilang ulit kasi baka nasa encantadia lang pala ako at paniginip lang ang lahat pero...

Wapak!

Nagising ang aking maladyosang diwa nang hinawakan nito ang aking mga kamay.

"I know I've promised you I'll court you, but I can't wait any longer, Mee. Each day, it feels like I'll lose my sanity because of this feeling."

"Eh..hehe.." Napakamot ako sa aking ulo. Ang seryoso naman ni Dee ngayon.

"I fell for you too fast and hard. I'm drowned with this love, and I don't know how to swim back to the shore anymore. I am left with no choice but to breathe in it. I'm breathing for you, Mee. I love you so damn much!"

Huh?

Ano raw?

"Dee? Hehe... Wala bang tagalog version? Di ko gets. Hehe... Tsaka, hindi ba kayo tinuruang mag-swimming no'ng college? P.E 102 kaya 'yon, Dee." Maang na untag ko ngunit kumunot ang kanyang noo at parang naging frustrated ito.

"Damn!" Malutong na mura nito.

Hala!

"Galit ka, Dee?"

"No, no, no..." Sunod-sunod na iling nito at napahilamos ng kanyang mukha. Napabitaw ito sa pagkakahawak sa akin at parang hindi ito mapakali. Napayuko ito at inilagay ang kanyang isang kamay sa bulsa.

"M-mahal k-kita. M-mahal na m-mahal," Hirap na hirap na untag nito na nakayuko pa rin. Namumula rin ang tenga nito at parang nanginginig kaya hinawakan ko siya.

"Ano ulit 'yon, Dee? Ayusin mo kasi," nakangusong saad ko at niyugyog siya.

"DANG IT! STUPID! I LOVE YOU AND I WANT TO BE YOUR BOYFRIEND!" Malakas na bulyaw nito kaya napapitlag ako.

Kita n'yo na? Kahit kailan talaga ang bastos ng dragon na 'to. Matino naman ang tanong ko, ah. Kailan pa naging stupid ang magtanong?

"NAGTATANONG LANG AKO KASI HINDI KITA NARINIG! DAPAT KASI PINALAGYAN MO NG MEGAPHONE 'YANG BUNGANGA MO NANG MADALI KITANG MARINIG! HUWAG MO RING SABIHING BINGI AKO KASI KAKALINIS KO LANG KANINA NG TENGA KO! AT TSAKA HUWAG KA NGANG UMI-ENGLISH ENGLISH KASI NANDITO TAYO SA 'PINAS! STUPIDO!" Hapong-hapo ako matapos kong isigaw 'yon sa kanyang pagmumukha.

"FVCK IT! MAHAL NA MAHAL KITA! TANGINA! SIMULA NGAYON GIRLFRIEND NA KITA SA AYAW AT SA GUSTO MO!" Malakas na tugon nito na ikinatalon ko.

Pero... Ano raw?

Mahal niya ako?

Mahal na mahal niya ako?

At girlfriend niya na ako simula ngayon?

"Waah! Talaga, Dee? Sinasagot mo na ako?!" 'Di makapaniwalang tanong ko at niyugyog siya. Hihihi. Finally! Natauhan din ang dragon na 'to.

"Tsk! Stupid." Anito na naiiling at niyakap ako.

"Teka, teka..." Niluwagan naman nito ang pagkayakap sa'kin ngunit nakapulupot pa rin ang kanyang braso sa aking katawan. Tumingala ako sa kanya at nagtagpo ang aming mga mata dahil yumuko rin siya.

"Jowa na ba talaga kita, Dee? As in talagang-talaga?" Excited na tanong ko. Halos lumipad naman ako na walang pakpak sa sobrang tuwa ng sunod-sunod itong tumango at ngumiti.

The Untouchable BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon