CHAPTER 12

471K 13.5K 4.5K
                                    

Chapter 12: Fallen

Napaawang ang aking mga labi at napakurap-kurap ako ng ilang beses.

Anyare kay D?

"Bakit, Sir, hindi ba bagay sa'kin?"

Nagsalubong ang kanyang kilay at pinaningkitan niya ako ng kanyang mga mata.

"Unpredictable. Tss," nabuburyong saad nito. Naku huwag lang talaga magtagal sa harapan ko ang dragon na 'to at baka mabuking pa ako. Hindi niya pwedeng mahalata na manliligaw ako sa kanya.

"Ser Skeet, good morning ho, narito na ang tutulong sa paglilipat ng mesa ni Ma'am sa opisina n'yo."

Pareho kaming napatingin sa mamang sumulpot sa aming likuran na may kasamang parang miyembro ng goons.

"Good morning din po, mga mama. Sino ang maglilipat?" tanong ko dahil mukha yatang walang balak bumati itong katabi kong dragon.

"Alright, Kuya Nito."

Nagitla ako nang bigla nilang sinimulang pinagbubuhat ang mga gamit ko at iba pang mga file boxes sa area ko papasok ng opisina ni D.

"Teka, teka lang, mga kuya. Bakit n'yo nililipat ang mga gamit ko?"

"Stop asking and follow me inside," ma-awtoridad na utos ng dragon at nagpatiunang pumasok sa loob ng opisina niya.

Wala na akong nagawa nang mailipat nilang lahat ang gamit ko sa loob ng executive's office ni Sir D at pinalipat ako sa loob. Kahit kailan talaga ang hirap ispelingin ng dragon na 'yon.

Bitbit ang handbag ko ay pumasok na ako sa loob. Sa totoo lang masyadong malawak itong opisina niya, halos limang doble siguro ng sa'kin.

"Sir, bakit n'yo ba ako pinalipat dito? May multo ba rito at takot kayo?"

"Tss. Stop overthinking. I just want you close to me. I mean, you're more accessible when you're here,"  aniya.

Napanganga naman ang dalawang mama na kalalapag lang ng mga filing box ko. Parang nakakita sila ng alien sa katauhan ni Sir D. Weird.

Matapos nilang maisaayos ang lahat ay umupo na ako sa swivel chair ko. Nagpaalam na rin silang dalawa kay Sir D.

Ano ba'ng puwedeng gawin? Mukhang hindi naman kasi palautos itong dragon na 'to, eh.

Napatingin ako sa planner ko na wala namang laman. Kinuha ko mula rito ang inipit kong print out ng misyon ko.

Oplan ligawan ang dragon.

HOW TO COURT A GUY

Step 2: Get closer to him and always make him smile.

Hmm. Mukhang na-accomplish ko naman ang second step nang walang kahirap-hirap. Si Sir D pa nga ang nagpalipat sa'kin dito, eh. Hindi lang kami close dahil close na close na kami. Pero may isa pa pala, kailangan ko siyang pangitiin ulit tulad ng dati.

Ano na naman kaya ang gagawin ko para ngumiti itong dragon na 'to? Baka matulad lang sa dati na binulyawan ako nang wala sa oras.

Ano kaya kung sasayawan ko siya ng gangnam style?

Aixt! Hindi na ata uso 'yon. Isa pa magmumukha akong aso no'n.

Twerk it like Miley kaya?

Hindi puwede.

Magmumukha akong tarsier.

Desert?

Hay.

Hindi rin yata puwede, magmumukha akong palaka.

The Untouchable BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon