Chapter 1: Meeting

679 31 2
                                    


Gusto kong mahiya sa pangalan ko. Hindi dahil pangit siya. Kaya lang kasi bakit pinangalan ako sa hardware store? Pambihira naman.
 
 
 
Ano bang nasa isip ng mga magulang ko?
 
 
 
Nagpapasalamat na lang ako at di alam ng mga kaklase ko kung saan galing yung pangalan ko.
 
 
 
"Kent!"
 
 

"Uy"
 
 
 
Si Trixie. Di kami close pero madalas niya akong tinatawag pag pauwi na. Magkapareho kasi kami ng way pauwi.
 
 
 
"Sabay na tayo"
  
 
 
Sabi niya. Habang naglalakad kami di ko alam bakit siya nakangiti.
 
 
 
"Masaya ka yata ah"
 
 
 
"Ahh hindi naman. May nakakatawa lang na nangyari"
 
 
 
Nacurious ako. Pero nakakahiya magtanong.
 
 
 
"May kapangalan ka alam mo ba?"
 
 

"Ha?"
 
 
 
Medyo kinabahan ako.
 
 
 
"Sino?"
 
 
 
"Anong sino? Ano kamo"
   
 

"Ha?"
 
 
"Kapangalan mo yung Hardware Store. Kent Vinyl"
 
 

Sabay lakad paalis.
 
 
 
Kainis.
 
 
 
Napadaan ako sa Mall para bumili ng mga kailangan ko para sa idedesign namin sa bulletin bukas. 1k lang ang binigay sa akin so kailangan ko pa tong pagkasyahin.
 
 
 
Napunta ako sa stall ng mga libro ni William Shakespeare nang may sumigaw sa tabi ko.
 
 

"Aray"
 
 

"Ay sorry miss"
 
 

"Sorry ka diyan. Naapakan mo yung paa ko"
 
 
 
Napatingin ako sa paa niya. Wala siyang sapatos o sandals man lang.
 
 

"Sa susunod magingat ka sa mga ginagawa mo. Nakakaagrabyado ka"
 
 

Mataas yung boses niya kaya nakatingin na sa akin yung mga tao. Yung tingin nila eh sa akin lang nakatuon na para bang may kasalanan akong ginawa na hindi kailanman mapapatawad.



"Ay pasensiya na po. It's my fault po. Pasensiya na"



Habang yumuyuko ako sa mga tao. Sobrang hiya hiyang ako sa kanila. Pinagtitinginan nila ako na para akong baliw.



Paglingon ko sa likod ko.
 
 

"Asan na yun?" bulong ko sa sarili ko.

 

May kumalabit sa akin.
 
 
 
"Sir. Sino po bang kausap niyo?"
 
 
 
"Ahh yung babae dito kanina" ngumiti ako sa saleslady. "Lumabas na yata. Pasensiya na po"

 
 
"Ah okay po Sir."
 
 
 
Lumabas na din ako. Di na muna ako bumili mamayang hapon na lang siguro. Maaga pa naman.
 
 
 
Ang weird lang nung babae bakit siya naka paa sa loob ng mall? Paano sya napapasok ng guard?
 

  
Napahawak ako sa batok ko habang nagiisip. Kinikilabutan ako. Di naman siguro siya multo.
 
 

Pwede naman sigurong nakaheels siya at tinanggal niya dahil masakit.

 

Oo nga pwede naman yun. Teka nga bakit ko ba siya iniisip?
 
 
 
Palabas na ako ng Mall ng mapansin ko yung traffic sa highway.
 
 

Marami na ding nakikiusyoso.
 
 
 
Lumapit ako dun sa aksidente pero di ko masyadong makita.
 
 

"Kawawa naman yung mga sakay nung bus" sabi nung isang ale.
 

 
Nakikinig lang ako sa nga ale na nagsasalita sa gilid.
 
 


"Oo nga eh. Kasalanan talaga nung motor na yun eh."
 
 
 
Nagkabuhol buhol yung traffic sa highway dahil sa isang motor. May bus na nakatagilid, at may dalawang kotse pa na sumalpok dun sa bus.
 

 
Nanalangin ako ng sandaling yun. Sana may survivor.
   
  

Umuwi na ako ng bahay.
 
 

"Kuya nabalitaan mo na ba yung aksidente diyan sa highway malapit sa atin?"
 


"Di ko nabalitaan pero nakita ko?"



"Hala weh? Wala daw survivor dun sa mga sakay ng bus kahit dun sa dalawang kotse at yung motorista"
 
 
 
"Ayyst. Pumasok ka nga sa kwarto mo. Kung ano anong kinekwento mo. Hayaan mo na sila. Wala na tayong magagawa. Pray for their souls na lang."



Sumalampak lang si Kentarou sa sofa tsaka binuksan yung tv.

 
 
"Walang naitalang survivor ng tumagilid ang isang bus dahil sa pagovertake ng isang motor sa North Avenue kanina. Kasama rin sa mga nasawi ang sakay ng dalawang Toyota Corolla na diumano'y nasa gilid ng bus. Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa dahilan ng nasabing aksidente"



"Ilipat mo nga"
 


"Isang malagim na trahedya ang kumitil sa buhay ng mga ......"

 

Inagaw ko na yung remote at pinatay yung tv.
 


"Hindi ka dapat nanonood ng mga ganyan magaral ka nga at matulog ka para tumangkad ka"
 
 
 
"Matangkad na ko di na kailangan."

When She DiedWhere stories live. Discover now