Chapter 7: Memories

238 22 0
                                    

Patuloy pa rin sa pagpatak yung ulan. Mistula iyong mga tambol sa lakas na nakakabingi.

"Denise kung andiyan ka. Tara na. Umuwi na tayo"

Nakita kong gumalaw yung payong ni Altair na tinapik ko kanina. Para bang may pumulot nito galing sa sahig at pinayungan si Altair.

Nakalutang lang yung payong sa tabi ni Altair bago niya hawakan yung handle ng payong at maglakad.

Kung siguro nakikita ko si Denise ngayon. Hawak niya yung payong habang nakahawak naman si Altair sa kamay niya.


Ano 'to? Ngayon lang kayo nagkakilala ganyan agad? Nasabihan ka lang na nakikita ka niya may nabuo agad na feelings?

Ang labo. Napakalabo.


Kalokohan.

Sobrang lakas ng ulan at di ko namamalayang basang basa na din ako nararamdaman ko na yung lamig sa paa ko dahil nakayapak lang ako.

Hindi man lang ba niya nakita na nakapaa ako. Na nilalamig na ako kakahanap sa kanya?

Tapos siya ang iniisip niya iba.


Bahala siya. Sige magsama sila. "Wag na siyang magpapakita sa akin. Wag na siyang pupunta sa bahay"


Hindi ko alam na naisigaw ko pala yung sinasabi ng utak ko.

Di pa kalayuan sila Altair nun kaya nakita kong tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin.

Tiningnan ko lang siya at nagtaas noo saka ako naglakad pabalik ng building.


May damit ako sa SC office alam ko kaya magpapalit na lang ako.


Pagkadating na pagkadating ko dun wala ng tao halos. Nagsuspend na nga pala ng klase. Hindi ko alam kung asan na yung ibang members ng council since dapat andito sila kapag mga ganitong oras.


Wala namang tao kaya dun na ako nagbihis. Habang naghuhubad ako ng damit narinig kong bumukas yung pintuan.


Dahil sa gulat natakpan ko bigla ng kamay ko yung katawan ko. Napaka conservative ko yata dun.


"Sino yan?"
 

Tumingin ako sa kinapupwestuhan ng pintuan. Nakauwang ng hanggang kalahati yung pinto pero walang tao.

Walang tao sa loob.


Tinuloy ko yung pagbibihis ko at tinungo yung pintuan. Tumingin ako sa labas pero wala na ding tao sa buong hallway.


Napa cross elbow ako bigla.


"Denise ang sabi ko wag ka ng magpapakita sa akin"

 
Teka lang. Kasama niya si Altair kanina eh. Kasama niya di ba?


Napalingon ako bigla ulit sa labas ng office. Bumalik ako sa loob at niligpit yung gamit ko. Sinampay ko yung basa kong uniform at umalis agad ng room.


Agad akong bumaba ng office at nagmadaling umalis.


Imposibleng si Denise yung nagbukas?

O kaya may nangtitrip din sa akin?

Pero imposible eh. Nasa dulo pa yung hagdan wala naman siyang ibang pagtataguan dun dahil nakalock na yung mga rooms.


When She DiedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz