Chapter 29: Fate

103 6 0
                                    

I finally found you and in a split second you're gone.

0-0-0-0-0-0-0-0-0-0

(Gianna's POV)

Let's call it a day.

Nakakapagod. Ang sakit sa ulo. Hindi na ako makapagisip ng matino.

Tinawagan pa ako na may prenup photoshoot bukas. At dahil hindi makakaattend si Boss Ria ako daw muna.

Hinga lang Gianna.

You don't want to lose your job right?

"You actually died"

Parang sirang plaka na paulit ulit yun na tumutugtog sa isipan ko.

Pagkagising ko kinabukasan maagang maaga pa lang eh dumiretso na ako ng private resort. Gusto ko din mag unwind muna.

I want to forget. Altair, Kent.

Oo kailangan ko silang kalimutan kung gusto ko nang maayos na buhay.

And even what mom told me. Kailangan kong kalimutan. Lahat. Lahat.

Dalawa't kalahating oras ang tagal ng byahe kaya pagdating ay gutom na gutom ako.

Nameet ko naman agad yung magasawa. Si Boss Ria pala ang nagdesign ng gown. Kaya kailangan ko din pumunta dito to check if they want to add or change anything sa design.

Nagsimula silang mag photoshoot sa may bandang dalampasigan.

Kung ako yung bride. Mas maganda siguro kung takipsilim yun kinunan.

Pero okay lang naman. Good pair.

Maganda, Gwapo. Perfect.

Sinabay na nila ako sa lunch.

"You're from Glam pala. No wonder magkakasing ganda kayo doon ng mga designers like Ria"

Except for Cleotilde.

Ngumiti lang ako bilang tugon.

"C'mon kain ka nang marami"

Nakakahiya man eh kumain na din ako.

Una. Dahil gusto kong kumain.

Pangalawa dahil nagugutom na ako.

Pangatlo. Dahil isasama ko ang pagkain sa pagmumoveon ko.

"Ikaw kelan ka naman magpapakasal?"

Parang gusto kong masamid sa sinabi nung babae. Her name is Ashley. Mukhang mayaman talaga sa itsura pa lang.

"I have no plans" sagot ko na lang sabay ngiti.

"Do you have a boyfriend?"

"The reason why I have no plans of marrying someone is because I don't have a boyfriend" Sabay ngiti ko.

Nagtawanan naman sila.

"Sa ganda mong yan? By the way. Mang Roger"

Si Mang Roger yung parang caretaker doon sa lugar.

"I want to have some shots there..." Napalingon naman ako sa tinuro niya.

Maganda nga yung part na yun. May parang lighthouse at parang may mahabang tulay na may mga bilog na parang ilawan sa gilid. Wala iyong lubid na hawakan dirediretsong tulay na kahoy lang yun.

Parang yung mga napapanood ko sa TV nung bata.

"Ay Maam off limits po kasi yun eh"

"Bakit naman?"

When She DiedWhere stories live. Discover now