Prologue

264 13 0
                                    

"No Baby. We can't buy this. Kasi di ka naman kumakain niyan"



Nagpout si Baby Kianna.
 
 
 
"Dada" Hinila ni Kianna yung pisngi ko, tsaka lumipat sa ilong
 
 
 
"Baby Kianna no! Magagalit si Dada"
 
 
 
Binaba ko na muna si Kianna mula sa pagkakakarga.
 
 
 
She's turning 3 next month. Kamukhang kamukha niya talaga 'ko. 
     
    
   
Napapangiti na lang ako pag nakikita ko si Kianna.
   
   
   
Nandoon ako sa stall ng mga gatas. 
   
   
  
Maya maya pa napansin kong wala na si Kianna sa gilid ko. 
   
   
  
"Kianna?"
   
   
  
Agad akong umalis doon at umikot para hanapin si Kianna. 
  
  
  
Maya maya pa nakita ko siyang karga karga ng isang babae.
  
 
    
"Asan ba yung daddy mo?"
 
 
   
Pamilyar yung boses nun, pati yung itsura.
  
  
  
Isang mukha na matagal tagal ko na 'ding hindi nakita.
  
  
 
"Kianna!" tawag ko.
  
 

Lumingon naman yung bata sa akin.
 
  
  
"Dada!"
  
 
 
Kinuha ko mula sa pagkakakarga nung babae si Kianna.
 
 
 
Nagkatinginan lang kaming dalawa. Para bang kinakabisado namin pareho ang itsura ng bawat isa. Mistula kaming mga estatwa na nakatayo lang sa kinaroroonan namin.
  
  
  
Isang pangyayari na ni sa hinagao ay hindi ko inaasahang mangyayari pa.
 
 
 
"Good to see you again" kapagkuwa'y nasabi ko.
  
 
  
Bakas ang mga lungkot sa itsura nya. Pero hindi awa ang nga nakikita ko.
  
  
 
 
Iba.

-----

When She DiedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin