Chapter 26: Denise

81 15 0
                                    


Yung unang taong tumawag sa akin ng pangalang yun ay si Altair.

Sino ba si Denise?

Pamilyar sa akin yung mukha nung lalaki. Pero hindi ko matandaan kung saan. Agad kong pinulot yung salamin ko at dali-daling umalis.

"Hey. Denise" Narinig kong tinawag ulit ako sa ibang pangalan. Binilisan ko yung lakad ko. "Denise Sandali!" Nakalabas ako ng theater hanggang sa marating ko yung kalsada. Walang dumadaan dun dahil sarado yung daan para sa event na yun. Sobrang lamig sa labas at para akong mamamatay sa ginaw, isama mo pa na yung suot ko ay backless.

"Miss Sandali"

Sinusundan pa rin pala ako nito.

Humarap na ako at nagsalita.

"Bakit ba? Ano bang kailangan mo?"

Nakatingin lang siya sa akin. Nakita kong may pumatak na luha sa magkabilang mata niya.

"A--ang tagal kitang hinintay"

Ano bang pinagsasabi nito? Baliw na ba'to?

Lumapit siya sa akin. Napaatras ako ng kaunti. Para nagawa noya pa din yung gusto niyang gawin. Nilagay niya yung tux niya kaninang nabasa ko ng wine sa balikat ko. Para siguro hindi ako lamigin.

"H-hindi mo kailangang gawin yan. Isa pa hindi naman kita kilala. Sino ka ba?"

Tumingin lang siya sa akin. Sobrang lapit nya para kaming yung posisyon namin kanina sa loob dahil sa sobrang lapit. Nasa may damuhan kami malapit sa kalsada. Sa gilid naman ay may railings at may parang lake.

Nagulat kami pareho ng may fireworks na pumutok sa itaas. Napatingin kami pareho sa isa't-isa.

"It's good to see you again" Niyakap niya ako na mas lalong ikinagulat ko kaya agad akong kumalas.

"Bitiwan mo nga ako. Sino ka ba?"

Tiningnan niya lang ulit ako.

"Hindi ka ba magsasalita? Sino ka? And hindi ako yung tinatawag mong denise. I'm Gianna." Nilabas ko pa yung ID ko galing sa pouch at pinakita sa kanya. "Nakikita mo? It's Gianna. Walang Denise dito. Wag ako yung pagtripan mo"

Paalis na ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko.

Nakasalubong yung kilay niya.

"San mo nabili yung sapatos mo?"

Napatingin ako sa suot kong sapatos. I remember this. Ito yung sapatos na suot suot ko nung nagising ako from comatose 5 years ago. And kung bakit ito yung sinuot ko ngayon. Hindi ko din alam.

"I don't know...It's...It's a gift. Bakit ba ang dami mong tanong?"

"Kay Denise yan"

"So anong ibig mong sabihin? Ninakaw ko'to? My God. Napakadaming ganitong design sa Mall. Gusto mo ba samahan pa kita baka makakita pa tayo ng bulto bulto nito"

"It's a limited edition"

Natawa ako sa sinabi niya. "Now you're not making any sense. Bitiwan mo ko bago kita ipapulis". Sobrang inis ko tinanggal ko yung dalawang sapatos at binigay sa kanya.

"Here. Tutal inaakusahan mo ako ng kung ano-ano. Sa'yo na yan. Para naman tigilan mo na ako."

Tiningnan niyang mabuti yung sapatos.

"Year 2012. Created 2012. Today is 2017. This was created 5 years ago." Hinawakan niya ulit yung kamay ko. "Sino ka?"

Salubong yung kilay niya na nakatingin sa akin. Namumula yung mata niya na para bang anytime ay tutulo yung mga luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak.

When She DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon