Chapter 5: Altair

241 22 0
                                    

(Denise’ POV)

Di na ako sumama sa classroom nila. Una nakakabanas, Pangalawa nakakainis, Pangatlo nakakairita, Pangapat nakakainit ng ulo, Panglima nakaka highblood.

Concern lang ako kay Kent. Paano nga kasi kung biglang mafall siya dito kay Trixie tas itong si Trixie eh mahal pa din si Keen edi magiging panakip butas tong Kent na’to.

O di’ba? Concern citizen lang ako.

Wag kayong mag assume. Di ko gusto si Kent. Inuunahan ko na kayo. Di ko siya type. Isa pa, mas gusto ko munang malaman kung sino ako, bakit ako nandito, kung patay na nga ba talaga ako at papunta na ba akong langit o kung paano ako namatay.

Mas gusto ko muna yun malaman kesa pakialaman ang buhay ni Kent. Pero sa ngayon kailangan ko muna siyang sundan, samahan, at makitira dahil siya lang naman ang nakakakita sa akin.

Unless makahanap ako ng ibang tao na nakikita ako atleast may mapupuntahan akong iba.

Habang naglalakad ako sa grounds ng school nakita ko yung isang kaklase ni Kent, si Altair. Palakad lakad din, papunta sa direksyon ko.

Confident naman akong di niya ako nakikita.

So pagtitripan ko muna.

“Hi Altair. Uy ang pogi mo”

“Hi”

Oh my God.

Nagulat ako dahil nakatingin siya sa akin habang naglalakad. At sumagot siya dun sa Hi ko.

Kumakabog yung dibdib ko na hindi ko maintindihan. Nakikita niya ba ako?

Coincidence lang ba na nag Hi lang talaga siya magisa habang naglalakad at wala namang ibang tao?

Pero kasi nakatangin siya sa akin. Sa direksyon ko.

Mas lalong kumabog yung dibdib ko ng maramdaman kong nasa harap ko na siya.

Bigla siyang huminto sa paglalakad.

Nilagay yung dalawang kamay sa bulsa.

Di ko na siya matingala dahil baka nga nakikita niya ako. Kaya nanatili lang akong nakayuko.

“Oh yeah ayos lang naman. Andito ako sa school pa eh. Di ako makakadaan mamaya…. Ah sige… ah sige sige.. Haha. Hindi naman….”

Ha?

Napatingala ako sa kanya. Nakatingin na siya sa gawing kanan. Palinga linga na parang may hinahanap.

Saka ko nakita yung earpiece niya.

Okay. Hindi siya sa akin nag Hi kanina kundi dun sa kausap niya.

Mabuti naman.

“Sige antayin na lang kita dito….”

Naglakad na ako ng dahan dahan saka ako tumakbo paalis.

(Kent’s POV)

Nasaan na ba yung babaeng yun?

Di naman siguro siya nainis o nagalit dahil lang pumayag ako na sumama sa concert. Di naman siguro big deal.

Tsaka bakit ko ba siya hinahanap. Wala naman siyang ibang pupuntahan sa bahay lang namin.

Kahit naman siguro iwan ko siya makakapunta naman siyang bahay.

Hay naman talaga.

When She DiedWhere stories live. Discover now