Chapter 12: Melancholy

164 20 2
                                    

Napabangon ako bigla sa di ko alam na dahilan. Nakahiga pala ako sa hita ni Denise. Nakatingin lang siya sa akin pagbangon ko.


"Ba't di mo naman ako ginising"

"Di ka naman nagpagising. Tsaka okay ka na ba?"

"Ayos lang ako. Yung phone ko.?"


"Nasa kwarto may nagtxt nga yata kanina eh"

Pumasok ako ng kwarto at hinanap yung phone ko.

3 message received


Kentarou


Kuya Ba't di ka umuwi san ka Daw natulog?

Yung isa 8888 tapos yung huli.


Si Altair.


Kent, kaya mo na ba maglakad. Biglaan, umuwi parents ko. Baka pwedeng uwi ka na kung kaya mo na. Salamat.


10:36


Anong oras na ba? 12:07. Anak ng.


"Denise pakuha naman ng pantalon ko sa CR bilis. Tuyo na yun"


"Bakit?"


"Uuwi na tayo"

"Bakit nga"


"Basta"


Inabot sa akin ni Denise yung pantalon ko saka yung damit ko.

Saktong paghubad ko ng damit at pagsuot ko ng pantalon. Bumukas yung pintuan.


Nakita ko si Altair na napayuko na lang at humawak sa noo.

Aura pa lang nung parents niya nakakatakot na talaga. Kaya siguro pinapauwi niya ako agad.

Narinig kong nagsalita si Denise.


"Masungit parents niya. Tsaka di nila iisipin na may kaibigan si Altair, kaya magingat ka sa sasabihin mo."

Nagpalit-palit lang ng tingin sa amin si Altair. Ngumiti lang naman si Denise.


"Who are you? Altair don't tell me"


"Ma no, ah hindi baka mamisunderstood mo"

Natatakot ako sa parents niya pero parang gusto kong mangtrip bigla.


"Ahmm. I'm.."

"Ma, he's my thesismate. We're doing our thesis kagabi kasi"


Pinandilatan lang ako ni Altair.


Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang sabihin na lang na friend niya ako. Hindi ba maniniwala parents niya.


"Bakit ka nakahubad at nagbibihis pa lang?"

Pumasok yung mama ni Altair sa kwarto. Sumunod naman yung Dad niya.


Bigla akong tinulak ni Altair.


"Labas na. Baka ano pang isipin nila Mommy"

"Haha. Ano bang iisipin?"


"Bubugbugin kita makita mo"


Lumabas na ulit yung mama ni Altair. Pero ang alam ko nakakalat nga lang yung mga thesis papers ni Altair sa kwarto. Magandang dahilan naman pala.


Bago ko buksan yung pintuan nagsalita muna ako.


"Siya nga pala Al.." Kumunot yung noo niya, nagulat siguro siya na tinawag ko siyang Al. "Bukas ko na lang ibabalik yung damit, boxers tsaka underwear"


When She DiedWhere stories live. Discover now