Chapter 15: Lights

168 20 3
                                    

I will be forever grateful, thankful and blessed.

Ilang oras na lang magpapasko na. Ito na yata ang pinakamasayang pasko na mararanasan ko.


Minsan pakiramdaman ko ang tingin ng ibang tao sa akin, malungkot palaging nagiisa, bagay na hindi ko naman maikakaila. Maraming nagbago sa loob lang ng dalawampung araw. May nakakasama ako araw araw na hindi nakikita ng iba, hindi nahahawakan, hindi nararamdaman.


Something I am proud of. Dahil ako lang ang nakakaranas ng ganito na araw araw siyang kasama.

Masaya.


Na para ba akong bumalik sa pagkabata na nakikipaglaro sa hindi ko kakilala. Nakikipagtawanan, harutan at awayan pero mamaya lang okay na.


Hindi ko maipalawanag yung nararamdaman ko kapag kasama ko siya.


Nagmamahal na yata ako.

Punong puno na ng ilaw ang lansangan pati ng mga batang humahabol sa caroling.


Malakas din ang hampas ng hangin dahil sa paparating ulit na bagyo bago matapos ang taon. Hindi naman daw ito magiging ganoon kalakas at dadaan lang sa bansa.

Mas lalo kong naappreciate ang pasko ngayon hindi kagaya ng mga nakaraang taon na kailangan kong mapag-isa dahil maalala ko lang ang pagkawala ni Keen.


Hindi na yata ako makakaalis sa anino niya. Sa katotohanan na namatay siya dahil sa akin.


If there’s something I would be happy about Christmas is that, saksi ang mga liwanag na ‘to na may kasama akong nagpapagaan ng loob ko sa kabila ng mga mabibigat na laman nito.


I bought her a jacket. It was actually a couple jacket. Kahit naman suutin niya yun. Mawawala na yun sa paningin ng iba at ako lang ang makakakita.

Anything she touches cannot be seen by others naked eye. Ako lang, kami lang.


Sa pagkakataong ‘to. Masaya lang ako.


“Bakit pareho tayo ng jacket? Crush mo ko noh? Ayiiee aminin?”


“Kapal mo. Sadyang gusto ko lang talaga yung jacket. At hindi siya pwedeng bilhin ng mag-isa lang. Couple jacket kasi yan. Wala naman akong pagbibigyan niyang iba. Kaya sayo na lang”


Tinulak niya yung balikat ko ng bahagya habang naglalakad kami sa street malapit sa amin.


“Sus kunwari ka pa”


Natahimik lang kami pareho.


Hinawakan ko yung kamay niya saka ako nagsalita.

“Tara!”


“Saan?”

“Basta sumama ka na lang”

------

(Denise’ POV)

“It’s the Ayala Triangle woohoo” biglang sabi ni Kent.


Nakita ko yung mga naglalakihang liwanag sa taas na kulang na lang eh kuminang sa sobrang ganda.


Iba yung pakiramdam ko. Na para bang nakita ko na ‘to dati. Pero alam kong ngayon ko pa lang ‘to nakita. Hindi ko maipaliwanag. Parang gusto kong maiyak.


“It was my dream, na makapunta ako dito” Nakangiting sabi ni Kent habang hawak yung kamay ko.

“Hindi ka pa ba nakakapunta dito?”

When She DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon