Chapter 3: Rain

245 23 0
                                    

Hindi ako nakaperfect pero mataas ako.

Tinupad ni Denise yung deal niya.

Tutulungan ko siya. In exchange she'll be my eyes.

Pangatlo ako sa pinakamataas. Una syempre yung kinuhanan namin ng sagot si Pia second si Altair.

Si Altair isa pang weird. Lately ko lang napansin. Madalas siyang tumingin sa akin tas biglang ngingiti ng sarcastic. Parang nanunuya.

Pero di ko na pinansin.

"Okay. Where do we start?"

"Simulan natin sa paano ako namatay"

"Paano nga natin malalaman kung paano ka namatay eh hindi nga natin alam pangalan mo"

"Oo nga"

"Teka lang."

Si Jessie. Tama.

"May friend akong magaling magdrawing. Ipapadrawing kita"

"Hindi naman niya ko nakikita"

"Edi ibibigay ko na lang yung details"

"Tapos?"

"Pag nadrawing niya na edi ipopost ko sa fb kung may nakakakilala ba sa'yo"

"Ang galing mo. Teka ano yung fb?"

"Facebook."

"Ano yung facebook?"

"Yung totoo?"

"Di ko nga alam yun?"

"Baka di ka talaga tao? Wala kang naalala na kahit ano nung tao ka pa? Wala ba talaga?"

"Ang kulit mo wala nga"

"Banamanyan"

Tumawa siya.

"Anong nakakatawa?"

"Wala. Nakakatawa lang na namomroblema ka sa akin"

"Hindi nakakatawa yun Miss"

"I'm Denise"

"Okay. Tara"

"Saan?"

"Outside. Hihinga lang"

6pm na din. Last subject na. Pinakalate kong uwi.

Naglalakad lakad kami sa campus nang magtxt si Charles.

"Uy. Balik daw ng room. Bilis"

Bumalik ako agad ng room sa di ko alam na dahilan.

"May nawawalan ng wallet. 5k yung laman. Wala sana munang lalabas ng room. Kent kakalabas mo lang suspect ka dito"

"Ha bakit ako?"

"Uy Pres. Naiihi na talaga ako pa cr muna check nio na lang yung bag ko kung gusto niyo wala akong kinuha diyan"

Lumabas si Karen na nakahawak sa bandang puson niya.

Binigay ko yung bag ko para ipacheck.

"Di kaya tinago mo na somewhere?" kapagkuwa'y sabi nila sa akin.

"Pinagbibintangan niyo ba ako?" sagot ko nang mahinahon.

"Hindi. Pero ikaw pa lang ang lumalabas kaya suspek ka."

Napalingon ako sa gilid ko. Nawawala na si Denise. Pambihira naman. Kung kelan kailangan ko siya.

When She DiedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang