Chapter 24: Denial

90 13 0
                                    

(Altair's POV)

"Ano ka ba naman bakit di mo inaalagaan yang sarili mo. Alam mo namang maulan yung panahon ngayon. Magkakasakit ka talaga niyan" nagaalala kong sabinkay Kent.

"Oo na. Kasalanan ko na"

"Luluwas na tayo sa sunod na araw. Gagaling ka naman agad diba?"

"Oo naman. Sya nga pala.."

"Bakit?"

"Sinong naghatid sa akin?"

"Si Ms. Hanah Ledesma lang naman"

"Sinong Hanah?"

"Yung naghatid sayo dito?"

"Sino nga sya?"

"Model yun. Yung agency niya malapit lang din sa building natin kaya siguro nakadaupang palad mo."

"Nasaan na siya?"

"Bakit mo hinahanap?"

"Magpapasalamat"

"Wala na sa ibang bansa na."

"Bakit?"

"Yung preliminary for Tokyo Winter Fashion magstart na sa sunod na araw. Small world diba. Malay mo magkita kayo sa Japan"

"Di naman kailangang magkita"

"Kahit kakasabi mo lang na gusto mo magpasalamat"

"Magpapasalamat ako kung andito pa sya. Kung wala bakit ko pa sasadyain?"

"Ang sakit mo naman pala magmahal"

"Loko" Sinuntok nya yung braso ko na nakapatong sa hospital bed nya. Mahina lang yun dala na rin siguro ng mahina nyang katawan.

Maya maya pumasok yung nurse.

"Sir Altair. May naghahanap po sa inyo sa lobby. Di niya po kasi maibigay yung full name niyo kaya di po namin mapapasok dito sa private room."

"Sino daw? Nagbigay ba ng pangalan?"

"Hindi po sir eh. Pero babae po na may salamin"

Tumingin ako kay Kent.

"Sino namang maghahanap sa akin dito?"

"Baka babae mo. Naka one night stand mo siguro. Buntis. kailangan ng ama. Puntahan mo na"

"Kung wala ka lang sakit baka tinulaj na kita dyan sa higaan mo"

"Haha. sige na puntahan mo na"

"Di ko naman kilala yun eh...."

Sandali akong napaisip.

Teka lang.

Hindi, hindi. Imposible.

Chineck ko yung phone.

1 Miss call. Number lang.

May nagtext din.

Hi. Altair. Gianna here. Other number ko to. Di na kasi ako pwede mamayang gabi. Aalis na ako pa Japan. Ngayon na lang sana tayo magkita. Ibibigay ko na yung date mo. Tumawag ako sa firm niyo. Andito ka nga daw. Sinadya na kita. Wait kita sa lobby.

Napatingin ako bigla kay Kent. Tumingin din sya sa akin.

Napatayo ako agad at akmang nagmamadaling lumabas.

"Ano pananagutan mo na?"

"I'll be back"

Bakit siya nandito.?

When She DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon