Chapter 14: Investigation

161 22 2
                                    

"Hello is this The Medical City? ... Ahh yes, I would just like to ask if dito na po ba nailipat yung patient from Veterans Memorial Medical Center? ... Denise Vasquez. Opo okay po. Sige po salamat po."


Sumakay agad ako ng taxi at dumeretso sa Medical City. Kapag nakita ko na yung pasyente malalaman ko kung siya ba si Denise.


Hindi ako 100% na sigurado sa bagay na'to. Pero mabuti na yung may ginagawa kesa naman antayin na lang namin na mawala si Denise.


Ilang minuto lang nakarating naman agad ako sa nasabing ospital.


Dumeretso ako sa Reception Area at tinanong kung saan yung room ni Denise Vasquez.


"Sir Visitor po? Kaano-ano po kayo ng Pasyente?"


"Ahmm. She's my cousin. Here's my ID. We are not really blood related. Malayong pinsan."


"Okay po. Diretso na lang po tayo sa 204, andun po ngayon yung pamilya nung pasyente..."


Hindi ko na tinapos yung sasabihin nung nurse sa front desk at dumeretso na ako sa 204.


Sa labas ng room. May Isang lalaki na nakaupo. May hawak siyang bulaklak at nakatingin lang siya sa pintuan ng room 204.


"Ahm excuse me"


Tumingin lang sa akin yung lalaki pero nakikita ko na konting konti na lang tutulo na yung luha niya.


"Ahm. Ano pong maitutulong ko?"

"Ahm. I am looking for someone. I just .. thought she's in this room"


"Sino po bang hinahanap niyo?"


"Denise Vasquez"


Tumingin lang sa akin yung lalaki.


"Sino po sila?"


Patay.


"Ahmm. I'm Altair you probably don't know me, pero Denise and I were friends back in highschool"


"I'm her boyfriend"



Oh I see. Kaya pala sobrang lungkot ng itsura niya.


"Magkakalase kami since highschool. Pero di kita natatandaan"


Shit. Altair isip ng dahilan.


"Ah kasi, taga ibang section ako. Nag transfer lang din ako. Ilang buwan lang ako. We met dati sa library (Lahat naman siguro ng school may library) Natulungan niya ako one time. Kaya naging magkaibigan kami. Baka di na lang din niya nakwento"


Tumawa lang ako ng bahagya.


"Ah ganun ba. Siguro nga.. Bakit ka nga pala andito? Nabalitaan mo na din pala. Paano? Ikaw pa lang ang unang bisita niya na kaibigan"

Nakakapagtaka naman na ako pa lang ang unang bumisita sa kanya.


"Ahhh baka siguro busy pa yung iba. Pero pupunta rin yun dito siguro naman informed na sila sa nangyari"


"Siguro nga. Sabagay. Karamihan din naman sa mga kaibigan niya namatay din sa aksidente. Mapalad lang kami na hiwalay kami ng bus na sinasakyan."


Umiyak yung lalaki sa harapan ko. Di ko naman alam anong gagawin ko. Medyo naawa din ako sa kanya.


Pero kung si Denise nga yung nasa loob. Ibig sabihin may boyfriend siyang nagaantay sa kanya. Naisip ko lang si Kent. Kaya ko namang magparaya na lang.



When She DiedWhere stories live. Discover now