Chapter 10: Fever

158 22 1
                                    


"Gusto kita"

Di ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Kailangan ko ng umalis. Pero andito si Trixie sa harapan ko at sinasabing gusto ako.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.


Biglang nagring yung phone ni Trixie.


"Yes Dad.. Ahm opo nakasakay na po ako. Pauwi na po. Sige po"


Tumingin sa akin si Trixie saka ngumiti.


"Let's talk about it some other time."


Nag-bye siya sa akin saka siya sumakay sa kotse.


Naiwan ako sa parking lot na nakatingin sa kotseng papaalis.


Naglakad na ako palabas. Marahan.


Napansin kong sobrang lakas pa din ng ulan.


Naloko na.


Pumara agad ako ng taxi.



"Kuya Star City"

------


Bakit ba lagi na lang umuulan. She was with me kanina lang.


"Where is she?"

Kent?


"I..I don't know"


"What do you mean you don't know. Ikaw ang kasama niya!"


"Umulan kasi kaya.."


"Wag mong idahilan ang ulan. She's your responsibilty. Ikaw ang kasama niya"


"Eh bakit mo kasi siya pinababayaan. Kung kani-kanino ka sumasama?"


Humawak si Kent sa magkabilang bulsa niya. Saka niya ako hinawakan sa damit.


"Ikaw ang kasama niya dito, ikaw ang nag-aya, ikaw ang nakawala"


11:46 na ng gabi. Wala na din gaanong tao sa labas dahil nga umuulan. Kahit December na ngayon di ko pa din maintindihan bakit maulan pa rin.


May hawak akong payong pero si Kent wala.


Medyo kumalma na din siya at mahinahon na yung pag kausap niya sa akin.


"San mo siya huling nakita?"


"Dito. Sa mismong pwesto na'to"


Umupo lang siya sa tabi.



"Anong ginagawa mo diyan?"



"Aantayin kong tumila yung ulan"


Nababaliw na ba'to? Ako nga na nakapayong basang basa na. Siya pa?


"Tumayo ka diyan"


"Ayoko" sagot niya ng mabilis.


"Ang tigas ng ulo mo para kang bata"


Tumingin lang siya sa akin ng masama.


"Okay. Akin na cellphone mo, wallet mo, lahat"


"Holdup ba'to Altair?"


Seryoso siya sa pagkakasabi niya.


"Mukha ba akong mahirap? Akin na. Ilalagay ko sa bag ko para hindi mabasa. At yang paper bag na hawak mo. Basang basa na. Akin na lahat"


When She DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon