Chapter 11: Senses

237 22 3
                                    

(Altair's POV)

Nagising ako alas nwebe na.

Nakatulog ako ng nakaupo. Pagtayo ko nakita ko si Kent na nakahiga sa couch na balot na balot ng kumot.


Anong oras kaya to nakatulog?


Dumeretso ako sa kwarto para icheck si Denise. Medyo hindi na siya gaanong mainit. Bumaba na yung lagnat niya siguro.


Bumalik ako sa sala para pahinaan yung aircon nararamdaman kong sobrang lamig na din.



Nakatalukbong lang si Kent.


Nagluto na ako ng almusal para makakain.


Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero chineck ko din si Kent.


"Huy. Ang taas ng lagnat mo"



Pulang pula yung mukha niya at sobrang init niya.


"Wag niyong sabihing dalawa na kayong aalagaan ko?"


Di siya makakatulog ng maayos dito sa couch dahil masyado siyang matangkad.


Hay naman.


Di ko alam kung kaya ko siyang buhatin. Tinry ko kaya lang ang bigat.


"Ano ba bitawan mo nga ko"


"Papalipatin kita sa kwarto malaki naman yung kama dun ka na lang matulog. Di ka makakahiga ng maayos diyan. May lagnat ka pa"


"Okay lang ako---"


"Haaay"


Hinila ko na yung braso niya tsaka binuhat sa balikat ko. Inalalayan ko lang siya kasi di ko naman siya kaya. Saka ko siya pinahiga sa kama. Halos magkatabi lang sila ni Denise pero they are both facing the opposite side.


Kumuha agad ako ng gamot at pinainom kay Kent.


"Ano 'to?"


"Gamot"


"Wala akong sakit"


"Sige saka mo na inumin kapag patay ka na"


"Akin na"


Biglang nagring yung phone ko.



"Hello?.... Ngayon na? Sige sige I'll be there in 45 minutes" Binaba ko agad yung phone. Nagbihis at saka umalis.


"Kent. Nagluto na ako kumain ka na lang diyan"



Bakit ngayon pa may importanteng mga bagay na ganito.



------

(Denise' POV)


Ang sakit ng ulo ko. Ang bigat din ng katawan ko.


Oh My God.


Napahawak ako ng mahigpit sa kumot ng maramdaman kong may nakadantay na kamay sa akin.

Nasaan ako?

Anong nangyari?

Sino 'to?


Natatakot naman akong lumingon kaya di na lang ako gumalaw. Di ko na din alam gagawin ko. Magwawala ba ako.


Tumingin ako sa paligid. Parang alam ko kung kaninong bahay 'to.


When She DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon