Chapter 27: Truth

102 11 2
                                    

(Altair's POV)

I've searched for any possibilities how did that happen. Posible bang si Denise ay si Gianna din? Subconciously there's a possibility of soul na humihiwalay sa katawan di'ba?

Haay Altair. Ano ba kasi tong mga binabasa mo. Hindi to nakakatulong.

Dumating naman agad si Gianna sa meeting place. Hindi ko din alam kung paano ko siya iaapproach.

"About dun nga pala sa nangyari kanina..."

"No. It's okay. He's a psycho. So I understand"

"Hindi sa ganun Gianna" Tumingin lang siya sa akin. "I'm not trying to protect my friend. Kaya lang do you remember the first time we met? I've been mistakenly called you Denise as well. And It's not a coincidence that you two have the same face."

"What are you trying to say. That subconciously I am this Denise you are talking about?"

"Paano ko ba sasabihin..."

"Sabihin mo sa paraang maiintindihan ko"

"Do you have any memories while you were still in coma? I know It doesn't make sense pero ----"

"How did you know that I was in coma?"

"I've looked for your background"

"Why?"

"To check how are you two related"

"We are not related at all"

"Hey calm down" Pagkakalma ko sa kanya dahil medyo tumataas na yung boses niya.

"I've seen your sketchpad"

"What sketchpad?"

"Yung naiwan mo dati sa coffee shop" Tumahimik naman siya. "I've seen drawings na related din kay Denise"

"Alam mo kung anong nakakatawa dito Altair? I've already told you that I am not Denise. I have my own Identity. Imposible yang sinasabi mo. And if your looking for a possibilty that I have a twin. Wala. Wala akong kakambal"

"Denise... is not a human"

-------

(Gianna's POV)

Nagulat ako sa sinabi ni Altair. Tumaas yung balahibo na hindi ko alam kung bakit. Bigla ring parang lumamig yung paligid.

"What are you talking about?"

Tahimik naman si Altair. Huminga siya ng malalim.

"Denise is just a soul. Hindi siya tao. And we met Denise the same day that you were in an accident. At kami lang ang nakakakita sa kanya. Me and Kent."

Biglang nag flashback sa utak ko yung araw na naaksidente ako. Those were really bad memories na ayoko ng maalala. Maraming namatay. I was a survivor. I was in coma for 24 days.

"And Denise vanished.... The same day you woke up from coma"

Nagsasalubong na yung kilay ko habang nakayuko. Sumasakit yata yung ulo ko na hindi ko maintindihan.

Patuloy lang sa pagsasalita si Altair.

"And Kent.... he took care of you when you were still wandering"

Wala akong naalalang kahit ano.

Isa pa napakaimposible nito.

Pinagloloko niyo ba ako. Walang ganitong kwentong nageexist. Sinong maniniwala sa ganito? Kahit sinong psychologist hindi maniniwala sa mga narinig ko.

I remember the drawings.

May mga ginuguhit akong subconciously ginagawa ng kamay ko. They are not part of my memory. Lumalabas lang sila ng kusa.

When She DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon