Chapter 6: Confrontation

253 22 1
                                    

(Altair's POV)

Naglalakad ako sa baba ng school dahil sa friend kong kikitain ko. Ang liit lang naman ng school namin di naman siguro siya mahihirapan.

Paderetso na ako dun sa may monument ng angel na may trumpet ng makita ko yung babaeng laging kasama ni Kent.


Hindi ko alam. Pero Oo nakikita ko din siya. The very reason bakit ako natatawa na minsan nangingiti na minsan naiinis kay Kent. Kasi pinaglalaruan niya lang yung babae. Ginagamit niya para makakopya ng sagot ng iba which is hindi nakakatuwa.

Nangingiti ako kasi minsan mukhang tanga si Kent na nagsasalita mag-isa. Naalala ko lang yung sarili ko dati.

"Hi Altair. Uy ang pogi mo"

Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya napalingon ako sa direksyon niya pero iniwas ko na lang agad at baka magulat siya na nakikita ko din siya.

Biglang nag vibrate yung phone ko at mukhang tumatawag na yata yung friend ko.

Pinindot ko yung phone sa bulsa saka sinagot yung tawag through earpiece.

"Hi"

Di ko alam kung natatawa ba ako sa naging expression ng mukha nung babae dahil sumagot ako sa Hi niya.

Malakas ang kutob ko na kumakabog yung dibdib niya na hindi niya maintindihan dahil nakikita ko siya?

Sinadya kong tumingin sa direksyon niya para mas lalo siyang kabahan. Tiningnan ko siya sa mata niya kaya agad naman siyang napayuko.

Hindi ko alam pero parang naririnig ko yata yung tibok ng puso niya habang magkaharap na kami.

Kahit yung biglang paghangin at paglamig ng paligid damang dama ko.


Huminto ako sa paglalakad at nilagay yung dalawang kamay sa bulsa.

Saka ko sinagot yung tawag sa phone.


"Oh yeah ayos lang naman. Andito ako sa school pa eh. Di ako makakadaan mamaya.... Ah sige... ah sige sige.. Haha. Hindi naman....Basta aantayin na lang kita malapit lang to sa Poveda. Sige sige...."

Nakita ko siyang yumuko

"Sige antayin na lang kita dito...."

Naglakad na siya ng dahan dahan saka tumakbo paalis.


Nag end na yung call kaya tinawag ko na yung babae.

"Miss!"

Huminto siya sa pagtakbo saka dahan dahang lumingon sa akin.

"Ako?" sabay tingin sa paligid at turo niya sa sarili.

"Yeah Ikaw"

Lumapit siya sa akin sa mismong harapan ko at winave yung kamay niya sa tapat ng mukha ko.

"Hello multo ako imposibleng makita mo ko"


Napakamot ako sa ulo.


"Eh nakikita nga kita"


Napaatras siya bigla at tinakpan yung mukha niya


"Oh my God. Wag mo kong tingnan"


"Parang timang"


Tinanggal ko yung kamay niya sa mukha niya

"Bakit mo ko nahahawakan?"


When She DiedWhere stories live. Discover now