Chapter 22: Deal

172 18 0
                                    


(Altair’s POV)

It’s been 3 days pero di talaga mawala sa isip ko si Gianna. Di ko pa din naibabalik yung sketchpad niya.

Should I text her?

“Huy bakit nakatulala ka diyan?”

Si Kent.

“Ha? Hindi ah. May iniisip lang ako”

“Sino?”

Sasabihin ko ba?

Di ko naman kailangang sabihin diba? Isa pa hindi naman siya si Denise, she’s Gianna.

“Wala”

“Sino nga? It’s been 5 years since the last time I saw you na nagkaganyan”

“And as far as I remember I am not the only one na tuliro before. Diba Kent?”

“Wag mo nang ibalik. Naka move on na ko. Past is past”

“Totoo ba?”

“Oo naman. Alas kwatro na. Umuwi ka na ng maaga. Magbaon ka ng tulog pahingi ako bukas. Kasi mukhang mapupuyat ako kakaisip sa project na’to.”

“Mag sleeping pills ka”

“Di na kailangan. Siya nga pala. May sketchpad akong nakita dun sa office ko. Di akin yun. Baka sa’yo. Since galing ka dun kahapon. Naiwan mo din yung bag mo dun…”

Yung sketch pad?

“Binuk..”

“Di ko binuksan. Wag ka mag-alala”

“Ah nasan? Kunin ko na”

“Dun sa office”

Binato niya sa kin yung susi niya.

“Oh bilisan mo. Tambay muna ko dito”

“Ha? Dito?”

“Oo bakit. Pumupunta naman ako dito dati pa ah. Bilisan mo na at uuwi na ko”

Lumabas na ako kaagad at dumeretso ng office niya.

Nasa couch lang ung bag ko tsaka ung sketchpad. Mukha namang di nagalaw.

Hindi naman siguro niya nakita yung laman.

----

(Kent’s POV)

Anong tinatago mo Altair?

Nagulat ako dahil may nagring na phone.

Sinilip ko kung sinong tumatawag kay Altair.

Gianna?

May girlfriend ba si Altair?

Napaka private ba nito at di niya makwento sa akin man lang?

Nilapag ko na ung phone niya at lumabas na ng office niya ng makasalubong ko siya.

“Ahh. Sinarado ko lang yung office mo. Una na din ako may pupuntahan pa ako eh”

“Saan?”

“Diyan lang”

“Saan nga”

“Ang dami mong tanong”

“Imimeet mo girlfriend mo?”

“Wala akong girlfriend baliw”

Tumingin lang ako sa kanya ng nagtataka. Baka nga naman di niya girlfriend.

“Hmm. Okay sige”

When She DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon