Chapter 18: Song

164 22 3
                                    

"Wow naman. Para kanino ba yung kantang yun partner"

"Haha wala naman."

"Naiintriga ako. Di matatapos ang gabing to na di mo sinasabi kung sino"

"Haha. Di niyo siya nakikita"

Tumingin sa gawi ko si Altair at Denise. Napalongon din pabalik si Altair kay Denise saka lilingon ulit sa akin na para bang nagtataka sa mga sinasabi ko.

"I mean di niyo siya nakikita kasi di niyo siya kilala. At di ko sasabihin"

"Hay naku. Sige na wag na natin pilitin. Let us proceed. Everyone may now go to the dance floor. Haha."

"Because It's 'The Night at the Ball'" sabay naming sabi.

Pumunta na sa gitna yung mga parang magcucutillion. Nagsimula na ring tumugtog yung masayang instrumental na kanta na di ko alam.

Lahat sila may mga mask. Para kaming nasa JS Prom ngayon.

Dahil alam kong matagal din ang itatagal nito nagpaalam muna ako kay Syrene na aalis ako saglit at babalik na lang. Umokay naman siya at may kasama pang hampas sa balikat pagkasabi ng bumalik ako agad dahil nahiya siya magsalita ng mag-isa.

Dumeretso ako sa kinapepwestuhan nila Altair at Denise sa upper deck sa may dulo.

"Hoy nakakaintriga ka ha. Andami mong di sinasabi"

Si Denise.

Mas lalo kong naappreciate yung ganda niya sa malapitan.

Mas lalo kong nararamdaman yung kakaibang bagay na naramdaman ko kanina.

Mas lalo kong gustong hawakan siya at isayaw.

Lumakas yung hangin sa barko marahil ay dahil nasa gitna na kami ng laot. Tatawid ang barko sa kabilang isla mga dakong ala una siguro ng gabi. At dun nakahanda ang mga cottages na tutuluyan ng mga estudyante.

"Iwan ko muna kayo ha. Kuha lang ako ng drinks"

"Sure"

Sagot ko agad.

Ngumiti lang si Altair at umalis.

Nakatingin lang ako kay Denise at kinakalkyula pa kung anong mga salita ang dapat kong sabihin.

"Ahmm."

"Ahmm?"

"Ano kasi"

"Ano?"

"Ang ganda mo"

Hinampas niya ako ng malakas.

Gusto kong sumigaw ng aray kaso may mga tao sa paligid kaya iniiwasan kong magmukhang baliw as much as possible.

Kaya pabulong na lang akong umaray.

"Aray ang sakit"

"Ang dami mo kasing ala---"

Di ko na siya pinagsalita at hinatak ko na siya.

"San tayo pupunta?"

"Sunod ka lang"

Nakita ko tong place na to kanina habang nagdedecorate.

Sa kabilang dulo yun ng barko kung saan puro railings na kang ang matatanaw mo. At malulula ka dahil sa kitang kita mo yung dagat.

"Huy kent"

"Hmm?"

"Natatakot ako"

When She DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon