Chapter 19: Tears

189 19 0
                                    


“Gising ka na?”

Yun ang bumungad sa akin.

Tumingin ako sa paligid.

Nanaginip lang ba ako?

Anong nangyari?

Panaginip lang ba lahat?

Medyo nagpanic ako kaya napatayo ako agad.

“Oh wag ka munang tumayo. Alam na kakagaling sa aksidente eh”

“Altair si Denise?”

Tumingin lang sa akin si Altair.

Nagtataka.

Nanaginip nga lang ba talaga ako?

Hindi ba totoo si Denise?

Pero kung panaginip lang lahat. Bakit ko kaibigan si Altair.

Nakita kong sinarado ni Altair yung pintuan.

“Ano bang nangyari? Asan ako?”

“Nandito na tayo sa Isla. Nakarating yung barko kagabi kahit medyo binagyo tayo”

Nakita kong may band aid si Altair sa noo at meron din sa siko.

“Kent. Wag mong babanggitin si Denise dito.”

Nagulat ako sa sinabi niya. So hindi nananaginip totoo si Denise.

“Where is she?”

Yumuko lang si Altair.

May kinuha siya sa gilid at iniabot sa akin.

Dress.

Yung Dress na suot ni Denise kagabi.

“Hawak mo yan kagabi nung nakuha ka ng mga life guards. Sinisid nila yung ilalim pero walang katawan na nakita. Pinacheck na din ng school kung may estudyante bang nawawala. Pero wala, ligtas lahat at ayaw na ng school na mabalita pa. Zero casualty, maliban sa iyo.”

Nakatingin lang siya sa akin.

“Parating dito mamaya sila Sir Lardizabal. Kakausapin ka. Wag kang magbabanggit ng kahit ano tungkol kay Denise”

Hinila ko yung damit ni Altair palapit sa akin.

“Paano hindi magbabanggit? Nawawala si Denise. Ako lang yung nandito. Kasama ko siya kagabi. Nakita ko siya. Nakita ng dalawang mata ko. Bakit hindi nila hinanap”

Nagulat ako dahil sinampal ako ni Altair.

Umiiyak siya ngayon sa harapan ko habang nakayuko.

“Kasalanan ko...kasalanan ko kasi ako yung katabi niya pero di ko siya naprotektahan”

Tumahimik lang ako.

Pinunasan niya yung luha niya saka tumingin sa akin.

“Basta kahit anong mangyari. Kapag dumating sila dito. Hayaan mo lang akong magsalita. Ako na magpapaliwanag--”

Biglang bumukas yung pinto ng room.

Si Sir. Lardizabal kasama ng iba pang mga school associates.

“Mr. Arellano pinag-alala mo ang buong school kagabi. We can’t afford to loose any of our student. Especially ikaw, you’re a student council member and also running for Magna Cum Laude. Ano na lang ang mangyayari sa reputasyon ng school kung namatay ka kagabi”

When She DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon